Chapter 8

41 4 0
                                        

Kristelle.

Nang tawagin kami ng kakilala namin para kay Alexa ay agad kaming nag punta sa back stage. Nakahilera don ang mga candidates na patalbugan sa mga suot nilang sexy shorts, ripped jeans at mga nag kakapalang make up.

Hindi rin nawala ang makikinang nilang earrings at mga bracelets na suot nila. Sa kabilang dako ng stage ang boys at meron silang tag isang room para sa bihisan. Nahagilap ng mata ko si Alexa na mukang nag papanic kaya lumapit agad kami.

"Anong problema, Alexa?" Tanong ni Princess. Tumingin siya sakin at hinayaan ko lang siyang mag salita. "Sorry talaga. Salamat na din." Umalis na kami don at nag hagilap ng pinapahanap niyang safety pin na nasa locker niya. Nag madali kaming pumunta don dahil patapos na ang kanta ng isang schoolmate namin.

Pag dating namin don ay agad naming binuksan ang locker niya pero wala kaming nakita doon kundi ang mga notebooks at books niya. Nakita din namin don ang isang letter pero hindi na namin pinaki-alaman dahil mukang private.

"Wala naman dito, e." Naiinis na sambit ni Princess. Tsk! Suplada talaga. "Bumalik nalang tayo." Sabi ko at nag simula ng mag lakad. Habang nag lalakad kami pabalik ay bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pants na suot ko. Agad ko namang tinignan ang nag text na iyon at kumalabog ang tibok ng puso ko.

From: unknown number

Look who's here. Your boyfriend-- oops! I bet he's here to support me. ;) -Your great trusted friend, Alexia.

Mabilis na kumunot ang noo ko sa text na natanggap ko. Support her?! Hindi kaya--

"Kristelle! Ano ba?! Nag hahantay satin si Alexa!" Nanlaki ang mata ko. Isinantabi ko muna ang problema ko at tumakbo papunta sa back stage.

Alexa. Alexa. Alexa-- nahagip ng mata ko ang isang babaeng nasa dulo ng stage. Naka cap siya, naka jacket at naka shades pero hindi ko na siya natignan ng tumakbo siya paalis sa back stage.

Hindi narin naman kinailangan ni Alexa ang safety pin na pinapahanap niya dahil may nag bigay na daw sa kanya. Pinanuod lang namin ang contest.

As usual, hindi nawala ang sigaw ng mga supporters nila hanggang ngayon. Nag tagal din ang contest. Nag papasiklaban lang si Alexa at si Amy. Halos mag ka pantay lang sila ng ganda, ng confidence kaya parang mahihirapan mag decide ang judges sa kanila.

"Please stay quiet as I annouce the top 8 in this competition. Thankyou." Nag tahimikan ang lahat sa sinabing yon ng Emcee. Lahat ata ng nanunuood ay nawala ang boses at hinahantay na i announce ang top 8 s contest na 'to.

"For the first top 8 girls lets call in, Ashley Perey!" Pag kasabi ng Emcee na iyon ay nag sigawan na naman ng nalakas ang mga audience. Hindi maitatanggi, maganda din ang isang to. May confidence at kampante lang.

"Alexa Micaller!" Lalong lumakas ang sigawan ng nga audience. Napapalakpak naman kaming Officers na mag kakasama sa isang tabi. Last one nalang at alam ko ding si Amy ang papasok.

"And for the last top 8 finalist-- candidate number 5, Amy Fantallion!" Lalong pang lumakas ang sigawan. Kung kaninang malakas kay Alexa ay mas lalo pang lumakas ang sigawan at palakpakan pag tawag kay Amy.

Nag forward silang lahat at nag punta na sa back stage ang mag hindi naka sma sa top 8. Nasa right side ang top 8 girls while sa left side naman ang boys.

Nanatili pading maingay ang audience pero hindi ganong kalakas. "Ugh, kuya Raven-- ang sikip!" Napatingin ako sa gilid ko. Si Raven ginigitgit si Jane. Nasa tabi ko. Tinaasan ko ng kilay si Raven.

"Raven! Nasisikipan na si Jane." Sabat ko sa kanila. Tunawa naman si Raven. "Ahh, sorry Jane. May extra chair pa dun sa tabi ni Cyrille, e." Sabi niya na mukang pinapaalis si Jane. Nakuha naman ata ni Jane ang point niya at bumaling sakin. "Doon muna ako ate Kristelle." Tumango at ngumiti.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon