Chapter 37

26 5 0
                                    

Nadatnan namin si Raven sa cafe. Sumunod siya dito kahit late na. Wala namang kaso samin dahil ayaw pa namin umuwi at ngayon ay pabalik ulit kami sa bahay nila Ally.

Kaunting kamustahan din sa mga pangyayari sa buhay namin at ngayon ay nabaling ang topic kay Murvyn at Trix.

"Pano kayo nag kakilala?" Curious na tanong ni Ally. "Ay nako! Si Murvyn ang tatanungin mo? E baka hinila niya lang yang si Trix!" Nagtawanan kaming lahat sa banat ni Andrei dahil binatukan siya ni Murvyn.

"Lul! Gaya mo 'ko sayo e ikaw tong ang daming hinihilang chics sa school." Banat naman sa kanya ni Murvyn. "Sinabi mo pa, e nung high school palang tayo ginamit niya pa akong para mag panggap dahil sa mga nag hahabol sa kanya." Sabi ni Ally. Naaalala ko pa ang panahon na yun, sinabi sakin ni Ally na nag papanggap daw silang mag boyfriend, girlfriend ni Andrei dahil hinahbol si Andrei ng ex ni Ally.

"Hey! That's unfair! Pero dun ako..."

"Ano?!" Natatawa kong tanong, inaasar si Andrei. I know na dun siya na fall kay Ally. "Dun ako na fall sayo." Tumingin siya kay Ally at binigyan niya ito ng halik bago kami ng iwasan ng tingin.

Uhm, okay? Nakarinig na naman kami ng lag daing niya dahil naka tanggap naman siya ng batok kay Raven. Ang cool lang dahil ang bilis naming lahat na ma close ang isa't isa. "Nakakahiya ka tol, medyo cheesy!" Natatawang lang asar ni Raven.

"Sus. Sabihin mo di ka maka hingi ng ganto kay Princess." At nag tawanan kaming lahat. "Okay okay tama na boys, lets talk about you," tinuro ni Ally si Murvyn, "and you." At si Trix.

"Uhm actually..." nakatutok kaming lahat sa i-k-kwento samin ni Trix nang pangunahan na siya ni Murvyn. "Okay, nagkakilala kami sa school ng mag hahabol sana ako sayo Kris, but then this girl told me not to. Masaya kana daw kasi kay Giann and there, nag kakilala kami." Maiksing kwento ni Murvyn na nag papula sa muka ko.

Hindi ako sanay na pag usapan ang topic na related sakin lalo na kung ganitong about sa love life na hindi naman nag karon ng "love" para sa isa't isa.

Medyo naiilang na ako at parang nakahalata ang mag kapatid kaya iniba nila ang topic. Sa totoo lang medyo magulo ang story namin.

Years ago, nag kagusto ako kay Murvyn na may ex na namatay. Naging sila ni Marielle at nagustuhan naman ako ni Murvyn at ngayon mag kaibigan na kami ni Marielle, nawala na din ang feelings sakin ni Murvyn at nalipat to sa nag kakagusto sa kanya, si Trix.

Nakakatuwa lang na hindi nasira ang friendship namin sa bagay na 'to. Pero medyo bitter padin ang tingin ni Marielle kay Trix. Mukang ayaw niya sa ugali nito. I know someday tatanggapin niya nalang na mas better siya kesa sa bago ni Murvyn which is true. I find Marielle better than Trix. Hindi ko feel ang aura ni Trix pero who knows? Baka nag tatago lang siya sa matapang na aura.

Dumaan na ang ilang araw, ilang linggo. Palagi kong binabalikan ang cafe kung saan nakita ko si Giann pero hindi ko na siya nakita ulit. But you know what's funny? Nakita ko si Giann sa sementeryo. Sa likod ng punong malapit sa puntod niya. Pag katapos ay mabilis siyang nawala.

Nakita ko din siya sa favorite place namin. Ang garden na palagi naming pinupuntahan. Pero gaya ng dati, mabilis ko lang siyang nakita.

Kinakabahan at natatakot na ako kaya sinabi ko 'to kay Mom and Dad. Kinakabahan ako na baka may galit sakin si Giann pero natatakot din akong aminin sa sarili kong umaasa ako na buhay pa siya dahil baka umasa na naman ako at masaktan lang sa huli.

Pero kahit anong pag pipigil ko sa sarili ko, nandito padin ang puso ko, nag hahantay at umaasa na sana buhay siya. Na babalik siya sakin at mag sasama kaming muli.

Kasalukuyan akong nakatulala sa labas ng bahay namin. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakatingin lang sa mga batang nag lalaro sa labas. Masaya sila at halatang gustong gusto ang ginagawa. Nakaramdam naman ako bigla ng kaba sa dibdib ko at pakiramdam na may tumititig sakin kaya't napalinga ako sa paligid.

"Ow—" pinag pawisan ako at nanginginig ako. Nakatayo si Giann sa may puno at nakatingin sakin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ag hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Giann.." bulong ko aa sarili ko. "Buhay ka." Muli kong sabi sa sarili ko. "Hindi ako namamalik mata." Muli kong sabi at tinititigan siya. Nakasuot siya ng puting—puting damit.

Puting damit.

Nag sisimula na naman akong kabahan. Totoo ka Giann. Totoo ka diba? Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya at halos manginig ako ng biglang mag play sa kwarto ko ang video clip niya.

"I miss you." Lalo akong nanginig sa narinig ko at walang napigil sa mga luha ko dahil sunod sunod itong bumagsak. "I miss you so much." Hindi na ako nag paligoy ligoy pa dahil mabilis akong bumaba at nakasalubong ko si mom pero hindi ko siya pinansin ganon na din si Dad at si Kyrie.

"Kris where are you going?!" Tanong sakin ni mom, nag aalala pero hindi ko ito pinansin nag tuloy tuloy palabas.

"Giann!" Tawag ko nang makalabas ako. Pinuntahan ko ang puno kung saan ko siya nakita pero wala na siya don kaya't lumapit ako sa mga bata. "May nakita ba kayong lalaki? Matangkad siya at nakatayo sa puno, nakasuot din siya ng damit na puti." Pag papaliwanag ko sa mga bata pero inilingan lang nila ako.

"Imposible." Bulong ko sa sarili ko at bumalik sa puno. "Imposible naman yun Giann." Umiiyak padin ako. "Miss na kita, Giann. Miss na miss na kita at mababaliw na ako kakaisip sayo." Wala na akong nagawa kundi ang humagulgol at mapaupo sa puno. Sa eksaktong pwesto kung saan ko siya nakita.

"Ilang beses ka nang nag papakita sakin, sa personal at kahit sa panaginip. Sa screen, at sa mga pictures natin sa kwarto ko, pero bakit hindi mo ko harapin Giann?"

"Nahihirapan na ako... sobrang sakit na Giann na halos patayin mo na ako kakaisip sayo araw araw. Bakit ba hindi ka nalang mag pakita sakin?!" Patuloy ko pading pag tanong.

"Nakita ko siya." Halos mapatalon ako sa gulat ng may batang lumapit sakin. Maliit siya at nakasuot din ng puting damit. Disente ang bihis niya. Naka sapatos din siya na parang maalwan ang presensya niya.

"Nakita ko siya." Pag uulit niya. Napatingin ako sa muka ng bata. Lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam kung totoong tao pa ba ang nakikita ko. Mayroon siyang maputlang labi ag mukang mang hihina siya kahit maaliwalas ang presensya niya. "S-saan?" Nauutal kong tanong pero hindi niya ako sinagot.

"Nakita ko siya." Muli niyang sabi at tumakbo nang palayo. Hahabulin ko sana siya nang bigla akong hilahin ng isang tao. Nakita ko si Kyrie. Nakasunod sa kanya si Mom at si Dad na parang galit na galit pa.

"Nahihibang kana ba Kristelle?!" Galit ma tanong sakin ni Dad. Ito ang unang beses na nagalit siya sakin at nag taas siya ng boses. Hindi siya si Dad.

Halos madurog ang puso ko sa sunod niyang sinabi. "Patay na si Giann kahit among gawin mo! Hindi na siya mababalik kaya tanggapin mo na na nasa harap mo si Murvyn at siya ang lalaking pakakasalan mo!" Halos mapaupo nadin ako pero nasalo ako ng bisig ni Kyrie.

"Dad.." muli kong sambit. Halos hindi ko na makilala ang tatay ko. "Im sorry." Sa halip na siya, ako pa ang nang hingi ng tawad. Pag kasabi ko non ay umalis ako at dumertso sa kwarto ko. Tapos nadin mag play ang video clip ni Giann.

"I miss you Giann. I miss you so much." Bulong ko at duon ibinaon ang sarili ko sa kama at nag simulang maramdaman lahat ng sakit at pagod na naipon sa katawan ko.

To be continued...

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon