Chapter 2

101 4 0
                                        

Kristelle.

         "So meron nga talagang tumpak yung mang huhula." Tinanguan nalang ako ni Princess. "Pero hindi ko na muna iisipin yon, Cess. Gusto ko munang mag refresh at malinis ang utak ko sa kabila ng mga kaganapan sa buhay! Alam mo namang next next next next month e graduate na tayo!" 

"Correct ka jan, pero wag mong kakalimutan yung thesis natin."

"Shocks!" Nahampas ko ang noo ko ng banghitin niya ang thesis namin. Holy--thesis. E nakakabadtrip naman o! Mas una ko pang iniintindi si lola Auring hindi ko man lang naisip na tambak na ang schedule namin.

This week mag kakaron ng project ang SSG which is pageant ng Queen and King Campus. Wow lang ha? Wala namang ginagawa ang King and Queen sa'min. Mag sasalita sila ng kung ano ano speech pero hanggang salita lang naman sila.

Next week naman ay mag kakaron ng project ang mga graduating students na booth. Required sa'min yun bago kami gumraduate, and sa kabutihang palad si Princess at si Ace yung kasama ko para dito sa booth. Hindi pa kami nakakapag meeting, bahala na next saturday.

Next next week naman ang exam namin at another sem na ulit. O diba sabay sabay? Tapos ang pino-problema ko ay yung fortune teller na si lola Auring? Alam kong dapat naman akong mabahala dun, kahit pa nangako sakin si Giann hindi dapat ako pakampante.

Promises are meant to be broken.

May tiwala ako kay Giann pero alam kong may katapusan ang lahat. Pero sa ngayon, walang magagawa ang pag papanic ko kung hindi ako kikilos para hayaang si Giann lang ang mag work sa relationship naming dalawa.

"So, makibalita tayo sa girls sa project nila?"

"Hmm. No need, makakarating namam yun sa room namin." 

"Chaka ka! Kabilang tayo dun, Arts club tayo. Arts! And for sure, kukunin na naman nila tayo sa pag aayos ng props!"

Oh,sh*t! Bakit ko nakalimutan yon?! Ay nako, nakalimutan ko na kasama pala kami dun. Oo, kuripot masyado ang campus namin. Bakit? Imbes na kumuha sila ng babayarang tauhan sa pag design ng pageant o kung ano ano ay mga members ng Arts club ang inaargabyado nila!

Nakakapag sisi pala na sumali ako sa Arts club. Diba? :< Pagod at puyat ang ginagawa ko para lang sa pag gawa ng props! Pede naman mag back out e, pero extra grades din yun! And once na mag back out ka, hindi kana ulit tatanggapin pa pag sumali ka ulit. How sad :(

"So ano gurl, tara?"

Nag dere deretso siya pero napigilan ko naman dahil hinatak ko ang blouse niya. "Gaga! I e-excuse naman nila tayo e, kung ngayon tayo gagawa ng props. Pero alam mo, mas better na umarkila nalang sila ng tauhan diba?"

"Gaga ka! Ayaw mo ba nun? Makikita natin yung ibang kalahok sa pageant!"

"Im not interested. Psh."

Binalik ko ang tingin ko sa libro na binabasa ko. Next subject namin ang nakaka-boring na subject. Pero bahala na, iintindihin ko padin siya. Kailangan, e!

"Wait, ano bang araw ngayon?"

"Ahm--"

Tinignan ko ang date sa cellphone ko at nagulat ako ng mapag tanto kong wednesday na. "Wednesday"

Sa Friday night na ang pageant pero hindi padin kumikilos ang mga SSG? Nakakapagtaka naman. Tuesday kahapon, at kahapon lang din naisipan nung tatlong girls na sila Cyrille, Jane at Arah yung isasali nilang babae?

Errr- seryoso, anong problema ng mga SSG ng campus namin ngayon? Parang wala silang mood ah, isa pa yun.. si Raven ang president ng SSG ah? Yung ka klase ko sa second subject. Bakit hindi man lang kumilos yon?

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon