Chapter 12

41 4 0
                                    

Pumasok kami ni Giann sa loob ng bahay nila at nag simula na namang tumibok ang puso ko. Hindi dahil sa kinakabahan ako, kun'di dahil sa tuwang nararamdaman ko.

Pinadausdos ni Giann ang kamay niya sa bewang ko at pumasok kami sa loob ng pintuan nila. Mula kong naamoy ang mabangong bahay nila. Amo'y vanilla ang bahay nila kaya naman natutuwa ako pag pupunta dito.

Pag pasok mo sa pintuan ng bahay nila ay makikita mo ang malaking flat screen TV sa salas na agaw pansin. Mayroon din silang sofa na sobrang lambot. Glass center table at may mini bookshelf sa tabi ng flat screen TV. Agaw pansin din ang malaking chandelier sa bahay nila.

"I'm home." Sabi ni Giann at nag tuloy kami sa pag pasok. Umupo ako sa living room nila at napatingin sa kaliwang bahagi ng inuupuan ko. Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko si Chloe na pababa ng hagdan sa kaliwa ko at nag mamadaling bumaba habang sumisigaw.

"Ohmy-- ate Kristelle?!" Masayang sabi niya at tumayo naman ako. Makikipag beso sana ako kaso nag tatalon siya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.

"I missed you, ate Kristelle. Bakit ngayon ka lang?" At doon na nag simula ang pag ku-kwentuhan namin hanggang sa mag bukas ang pinto at nakita ko doon si Tita Silvia at Tito Rex.

Lumapit ako sa kanila at nag mano kay tito Rex. Nag beso naman ako kay tita Silvia na bigla akong niyakap. Bumaling naman siya kay Giann.

"Giann! Why you didn't tell us na dadating si Kris?" Sabay baling nito sakin at hinila ako sa kusina. "Come on, Kris. Bakit ngayon ka nalang ulit nakapunta dito?"

"Sorry tita, medyo busy po kasi ako sa studies that's why ngayon lang po ulit ako naka rating dito." Paliwanag ko. Nakasandal ako sa sink ng kitchen nila while nag pe-prepare ng plates si Tita.

"No, its okay Kris. I understand. Kwentuhan mo naman ako sa life niyo ni Giann." Excited pang sabi niya pero biglang dumating si Giann. "Mom, mag bihis po muna kayo. I'll take care of this one." Agaw ni Giann sa platong kinuha ni Tita Silvia.

"Oww. Thanks Giann. Kris, I'll just change my clothes." Paalam sakin ni Tita. Ngumiti lang ako at nag smile pagkatapos ay umalis na siya. Naiwan kami ni Giann sa kusina at tumulong na din ako sa kanya kahit ayaw niya dahil bisita naman daw ako pero syempre, nag pumilit din ako.

Pagkatapos namin mag pre-pare ay biglang may pumasok sa kusina nila na galing sa likod. Si Manang Fe. Ang matagal na nilang katuwang sa bahay.

Lumapit naman ako sa kanya para mag mano. "Oh hija, e bakit ngayon kalang ulit napasyal?" Tanong niya at tinulungan mag serve ng pagkain si Giann. "Ah e, busy lang po sa pag-aaral. Kumusta naman po kayo?" Tanong ko pa pagkatapos ilapag ang nag tataasang baso nila.

"Ah ganun ba, e ayos naman ako dine." Sagot niya pa at nag simula na niyang tawagin sila Chloe at ang iba pa. Nag si upuan nadin kami sa dining area nila at pagkatapos ay nag simulang kumain.

"Kris, Im happy that you came here for dinner." Baling sakin ni Tita Silvia. "Oh hija, kumain kalang at wag kanang mahiya. Masarap ang nilutong steak ng Tito Rex mo." Baling sakin ni Manang. Tumango naman ako.

"Kristelle, im happy to see you again with Giann. You seem so happy with him." Puri ni Tito. "Ah yes, tito." Pag sang ayon ko pa. Nagulat naman akong tumingin kay Tita Silvia at kay Chloe ng umirit sila.

Masaya ang naging kwentuhan namin hanggang sa biglang naging awkward ang atmosphere ng ibaling nila ang topic kay Chloe.

"Chloe, I wonder why you and Kyrie broke up?" Nasamid si Chloe sa narinig niya kay Tita Silvia. "Mom! Ate Kristelle is here.." nahihiyang tingin sakin ni Chloe.

"No, its okay. Maski ako ay hindi rin alam ang rason kung bakit kayo nag break ng kapatid ko?"

"Me too. Hindi ba dapat ay nagagalit ako kay Kyrie dahil sinaktan--" hindi natapos ang sinabi ni Giann ng mag salita si Chloe na nag patigil saming lahat.

"Shut up kuya! Its my fault. I broke up with him because.." tinignan lang namin siyang lahat at hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"Ano ba iyang rason mo hija, at ikaw pa pala ang nakipag hiwalay sa kasintahan mo?" si Manang.

"Yes baby girl. Why you didn't tell us about this?" si Tita Silvia

"so what is it?" Tito Rex

Napayuko si Chloe. Mukang nahihiya pa siya. "Its just, natatakot ako." Nangunot ang noo naming lahat pero hinintay padin namin ang sunod niyang sasabihin.

"Iniisip ko pa rin po kasi si.. Mica." At napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Mica? Ang tagal ng issue ni Mica sa kanila at kelan lang siya sumuko? I know Mica is now happy with her life.

"What?!" Gulat na utas ni Giann. "What's the problem about Mica?" Tanong naman ni Tita Silvia. "Mica is.. Kyrie's ex right? If im not mistaken." Mabilis kong iniling ang ulo ko.

"Mica is not Kyrie's ex Tito. Siya po yung mahal ni Kyrie for how many years? But wala pong namagitan sa kanila. They're just friends." Sabi ko pa tumango naman sila.

"Ah--ganun ba? E ano namang kaso dun Chloe? Wala namang namagitan sa kanila ni Kyrie." Sabi pa ni Tito at nanatili namang tahimik si Manang. Hindi niya ata kilala si Mica.

"Pero palagi niya pong nababanggit si Mica sa'kin." Napaisip ako sa sinabi ni Chloe. Tsk! Lagot ka sakin pag uwi ko, Kyrie. Mag tutuos tayo! Alam niya namang-- aish!!

"Im sorry about Kyrie's attitude, Chloe." Singit ko. "No, no. Its okay ate Kris. Isa pa, kasalanan ko din naman e. Nawawalan din ako ng time sa kanya at pag nakikita ako ni Kyrie palagi nalang akong may kasamang ibang guy. Which is not right dahil nabibigyan ko ng oras ang mga kaibigan kong lalaki pero hindi ko man lang mabigyan kahit isang minuto si Kyrie." Guilty niyang paliwanag. Napabuntong hininga ang lahat.

"Ang mga kabataan ngayon." Usal ni manang. Napukaw niya ang atensyon naming lahat. Sumimsim pa ako sandali sa iniinom ko bago ulit tumingin sa kanya.

"Alam niyo bang noong hindi pa pumapanaw si Porpillo e siya lamang ang lalaking nilalapitan at binibigyan ng oras?" Tumingin saming dalawa si Manang. Si Porpillo ay asawa niya na namatay na dahil sa sakit niyang Stage 4 lung cancer.

Walang nag sasalita samin at hinahayaan lang namin siyang mag kwento. "Noon, kahit pa masyado akong busy kamo sa pagtulong sa nanay mag tinda ng gulay e hindi nawawala ang oras ko sa kanya. Sa umaga ay mag titinda kami ng gulay at sa tanghali naman ay mag aaral ako. Pag ka uwi ko ng bahay namin ay mag lalaba at mag lilinis pa ako." Nag simula ng mag kwento si manang at nakinig lang kami sa kanya. Hinihintay ang sunod na kwento niya.

"Kung minsan ay pinupuntahan ko pa siya sa kabilang bayan para lamang masabing uunahin ko muna ang pag titinda ng gulay." Pag tutuloy pa ni manang. "Hindi naman uso ang telepono noong panahon namin, kaya naman minsan ay siya pa ang napunta saakin at tinutulungan kami sa pag lalako ng gulay."

"Ni minsan ay hindi ko inisip ang buhay kong wala siya at hindi ko rin siya itinatakwil sa akin dahil ganon nalang ang pag mamahal ko sa kanya." Dugtong muli niya. "Sumalangit nawa ang kaluluwa niya." At tumayo na si manang. Nag katinginan kaming lahat sa hapag kainan.

"Ang pinupunto ko lamang ay dapat ginawan niyo ng paraan ang isa't isa lalo na kung mahal niyo talaga ang isa't isa." Lalong napayuko si Chloe.

Alam naming lahat sa lamesang 'to na kahit mpa napag sabihan siya ni Manang Fe ay walang ng mangyayari dahil natapos na ang meron sa kanila ni Kyrie at pareho silang nag kamali.

Ang masakit lang doon ay hindi nila alam kung may pag asa bang bumalik pa sila sa isa't isa.

--

To be continued..

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon