Matapos kong mabasa ang text na 'yon ay hindi ko muna masyadong inisip ang mga bagay na 'yon. Naguhuluhan ako pero mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang plano ko para sa graduation.
Pumasok ako ng maaga sa school at sakto naman na kadadating lang ni Princess. Ang liwa-liwanag ng mukha niya. Halata sa kanya na masaya siya ngayon.
"Gooooood morning, Kristelle!" Masayang bati niya sakin. "Cess ang saya mo ata ngayon?" Puna ko sa kanya at mabilis naman niyang nilipat ang upuan niya sa harap ko.
"Alam mo kasi! Malapit na tayo gumraduate! Konting kembot nalang o! Ilang araw nalang ang bibilangin mo, kaya nga ngayon ay kailangan na nating i push ang mga requirements na kailangan natin." Dada niya sakin. Tumango naman ako. Totoo naman kasing konting araw na lang ay graduation na namin.
Natutuwa ako, finally! Mag kakaron na din ako ng diploma. Napatingin ako sa calendar sa cellphone ko. February? Hmm--
"PRINCESS!!" Taka siyang tumingin sakin kaya itinuro ko sa kanya ang kalendaryo. "Valentines day na bukas!" Tumawa siya bigla. "Ay teh? Ikaw lang di na inform. Pano ba naman kasi e Valentines araw-araw sainyo ni Giann!" Sabi niya at ibinalik na ang upuan. Matagal din kaming nakapag usap usap at pagkatapos ay nagawa na naming gawin yung mga alam naming requirements.
Lunch time ng bumaba kaming tatlo nila Alexa. Nag lalakad kami ng makita kong nag kakagulo ang mga studyante sa bulletin board. Na-curious naman ako kaya pumunta ako 'don at tinignan namin kung ano ang meron don.
"Makiki singit ka talaga diyan?" Natatawang tanong ni Alexa. "Oo kami. Why not diba?" Tanong naman pabalik ni Princess. Hinayaan mo nalang sila at nakisingit din.
"Excuse me." Sabi ko sa babaeng nakaharang. Nag give way naman siya sakin at doon ko nakita ang nakapaskil na malaking announcement sa bulletin board.
Valentines day, Valentines night.
Matapos kong mabasa ang information doon ay umalis na ako. Sumunod naman sakin si Alexa at si Princess. Nakita ko na mukha silang excited.
"Wow." Amaze na sabi ni Alexa. "May mini prom pala tayo bukas ng gabi?" Si Princess. Nag kibit balikat ako.
Ayon kasi ang nakalagay don. Meron kaming mini prom bukas ng gabi. Sa umaga naman valentines party lang. Natural na 'yon dito.
"Edi ayos. Kaya pa nilang isingit ang events sa hectic schedules ng mga fourth year students." Natatawa kong sabi.
"Hindi ba dapat graduation ball na lang?" Curious na tanong ko. 'Yung program kasi ng school namin ay halos para sa lahat ng estudyanteng pumapasok dito. Dahil gaya nga ng sabi ko, kakaunti lang naman ang estudyante rito.
"H'wag ka na KJ friend! Hindi ko na nga pinansin na pa bugla bigla ang pag po-post ng program nila. Ano 'yan overnight ka mag iisip kung sasama ka ba o hindi?" Mareklamong pag tatanong ni Princess. Tumawa na lang kami at hindi na sinundan ang topic.
Habang nasa kainan kami hindi namin mapigilang tatlo yung mga mangyayari para bukas. Halos doon lang umikot ang topic. Lalo pang dinugtungan ni Elaine. Sumama siya samin ngayong lunch.
"Anong isusuot mo bukas?" Tanong ni Princess kay Elaine. Halata namang excited na siya. Sus. Sino naman kaya ang gusto nitong maka sayawan?
"Sa umaga?" Tanong pabalik ni Elaine. Tumango naman si Princess sa kanya. "Kahit ano. Wala naman akong boyfriend--" naputol ang sasabihin niya ng umangal kaming tatlo.
"May manliligaw ka naman!" At sabay sabay din kaming tumawa. "Kayo?" Tanong niya samin. "Okay na ako sa T-shirt at pants." Sagot ko sa kanila.
Hanggang doon na matapos ang kwentuhan namin at nag si balik na sa kanya kanyang room.
