Natapos ang gabing birthday ni Murvyn. Masaya, kahit pa medyo ilang ako ay hinayaan ko nalang na mag saya ang bawat isa. Hindi naman ako papayag na masira ko ang birthday ni Murvyn dahil saming dalawa ni Giann kaya inayos ko ang mood ko at pinilit na ngumiti sa kanila.
Dumaan din ang ibang araw, natapos na kami sa mga requirements namin at sa mga thesis namin. Ngayon ay preparation nalang ng graduation ang pinag hahandaan namin. Kasalukuyan kaming nasa gym na lahat at nag pa-practice ng graduation namin.
Naiinip na ako dahil pupunta pa ako sa bar ng kaibigan ni Murvyn. Si Clyde. Umuwi na kasi kanina si Marielle at naisipan naming gumawa ng welcome back party. Arkilado namain ang buong bar. Kasama ang ibang classmate namin noong high school at sinama ko na rin si Princess at Elaine. Sabi nila ay isasama daw nila si Raven at isasama naman ni Giann ang iba niyang kaibigan na sila Patrick kaya nga natutuwa kami dahil madami dami din kami.
"Ilang minutes na lang ba?" Tanong ko kay Murvyn. Kasalukuyang break muna namin ngayon. Mag kakasama kami nila Elaine. Si Alexa ay dumistansya saamin at duon na napansin na napapalapit lalo siya kay Yuan. Ang kasama niyang manalo sa Campus King and Queen.
"Last na 'to pag tapos ng break time ay uuwi na tayo, kita kita na lang tayo sa place? Susunduin kita, Princess." Sagot naman ni Raven at bumaling sa nililigawang si Princess. Kinilig naman si Princess, halata iyon kahit pilit niyang itinago. "Eh, sige kung gusto mo hihi." Pabebeng sagot ni Princess na ikinatawa naming lahat.
"Of course, I'm going to do that always because you're my Princess, and Im your Prince." Nag kantyawan ang mga kaibigan namin habang napangiti ako nang mapait. Naaalala ko si Giann at kung paano niya ako tawaging prinsesa niya. Sa araw na lumipas, ang gabing birthday ni Murvyn ang huling beses na nag kausap kami.
Hindi ko alam kung sinikuan niya na ako pero kapag nakikita ko siya ay nakikita kong iniiwas niya ang sarili sa akin. Iyon ang nag bibigay ng lalo pang sakit sa nararamdaman ko. Gusto ko sana siyang makausap at papiliin samin ni Alexa pero nahihiya at natatakot ako. Hindi ko kayang marinig ang isasagot niya. Kahit pa pinapangako kong tatanggapin ko kahit ano ang maging desisyon niya.
Nag pakawala ako ng buntong hininga at inalis siya sa isip ko. Natapos ang pag pa-practice namin at pag kauwi ko ay nasa bahay na si Kyrie. Kasama si manang Luisa sa dining area at nag uusap. Wala pa si Mom at Dad kaya aakyat na sana ako pero bigla kong narinig ang usapan nila.
"E sayang naman ang relayson nila. Dapat ay pag usapan nila iyon habang hindi pa huli ang lahat. Ika nga ay nasa huli ang pag sisisi." si Manang. Nakatingin kay Kyrie habang inihahanda ang merienda. "I don't know, Manang. Galit ako kay Giann sa ginawa niya." seryoso at may pagka masungit na sagot ni Kyrie. Nalungkot tuloy ako.
Hindi naman dapat siyang nagagalit kay Giann. Dahil labas na siya sa relasyon namin. Pero kung ako nga ay naki-alam sa relasyon nila ni Mica hahayaan ko nalang muna siya. Naisip ko tuloy kung galit ba si Mom at Dad kay Giann dahil mag mula nung pumunta ako sa office ay hindi na rin nila na open ang topic sa relasyon namin ni Giann.
"Manang, Kyrie nandito na po ako." Iyon lang ang sabi ko at hindi nag pahalata na narinig ang usapan nila. "Aba e pumarine ka na hija, masarap ang merienda ngayon. Nag luto ako turon. Noong ako'y dalaga ay ito ang paborito kong merienda." Masayang pag balik ni Manang sa ala-ala niya. Umupo ako katabi ni Kyrie at sinabayan kami ni manang kumain.
"Maaga daw uuwi si Lyn at si Gino." Balita naman ni manang. Hindi na ako nag taka dahil minsan naman ay maagang umuuwi sila mom at Dad. Bigla naman kaming nakarinig ng busina ng sasakyan at nag bukas din ang gate. "Aba e ayan na pala sila." Puna ni Manang.
Dumeretso sila mom at dad sa dining table at sinabayan kaming kumain. Nag kwento sila sa work at tinatanong kung handa na ba ako. Sinabi ko naman na handa na ako at napag kwentuhan naman nila ang pag graduate ko. Masaya sila para sakin at ganon din naman ako. Napag usapan din namin si Kyrie at sa masungit niyang mood kung kanino nag mana. Minsan ay nasa mood si Kyrie kung minsan naman ay wala.
Matapos 'yon ay nag paalam na ako at pumunta sa bar at nag kita kita naman kami nila Princess sa entrance. Madami dami na din doon ang tao at ang hinahantay nalang namin ay konti at si Marielle.
Malakas ang sounds sa loob at medyo nakakahilo ang ilaw. Mayroong nag iinom na pero wala pang nag sasayaw dahil hinahantay talaga namin si Marielle. Malamang ay papunta na 'yon dito. Kailangan niya munang mag pahinga dahil sa byahe pero gusto niya talagang maka attend ng party ngayon. Isa pa, para sa kanya ang party na ito.
Naka graduate na siya at masaya kami dahil isa na siyang sikat na model sa ibang bansa. Kung minsan ay nakikita namin ang mga commercial niya sa TV at masasabi kong napakalaki ng ipinag bago niya. Maya maya ay nakumpleto na kami at dumating na si Marielle.
Lahat kami ay sumigaw ng welcome back! Mabilis naman niya kaming sinalubong at binigyan kami ng iba't ibang pasalubong. Ang iba naman ay nilapitan niya. Lalong naging maingay sa loob at ang iba ay lasing na. Nag sho-shot ang mga kasama ko at ako naman ay juice lang ang iniinom. Hindi ko kaya ang pag inom ng alak dahil nakatikim na ako ng red wine na pinatikim sakin ni Dad nung 18th birthday ko pero sadyang ayaw ko ng lasa. Mahina ang sikmura ko pag dating sa ganon.
Sobrang saya namin sa mga kwento ni Marielle. Katabi niya ngayon si Giann at sa kanan niya naman ay si Elaine na mabilis niyang nakasundo ganon din ang iba naming kaibigan.
Alam niya ang tungkol samin ni Giann dahil na kwento ko na ito at hindi naman siya naging mausisa pa.
"So kailan nga ulit ang kasal?" Masayang tanong ni Marielle. Ikakasal na nga pala ang kapatid niyang si Ally. "Ah, balak sana namin ay 2 weeks after the graduation day na sa isang araw na magaganap." Sagot ni Ally.
"Cheers sa ikakasal!" Itinaas ni Raven ang baso niya at nakipg cheers naman kami kahit natatawa kami ni Princess sa iniinom naming juice. Siya ay marunong mag inom pero grabe daw siyang tamaan ng alak kaya pass muna siya at juice ang iniinom niya.
Madami pa kaming napag kwentuhan. May mangilan ngilan ang nag siuwian na at lasing na. Lumipas pa ang ilang oras at kami kaming mag kakaibigan nalang ang natita. Kasama ang kaibigan ni Giann at Murvyn. Ang may kanya ng bar at kami nila Ally.
"Cheers again para kay Marielle! Welcome back!" Itinaas na naman ni Andrei ang kanyang baso. May tama na sila nang kaunti pero alam pa rin nila ang kanilang ginagawa. Wala na ang maingay na music, hindi na ganoong kalakas at ang ilaw ay nananatili nalamang puti at maliwanag.
Kanina ko pa tinitignan si Giann kung may tama na ba siya pero napapaiwas ako ng tingin kapag nakikita kong nakatingin din siya sakin. Hindi naman mahirap na kalimutan siya kasi hindi naman nawala yung pag mamahal ko sa kanya. Pero ang mahirap ibalik ay ang tiwala ko na nasira niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya ang bagay na 'yon. Wala akong makitang malinaw na dahilan para gawin niya yon.
"Ma'am bawal nga po sabi e!" Lahat kami ay napatingin ng sumigaw ang guard na nakabantay. Natahimik ang lahat at nagulat kaming lahat ng may pumasok ma babae. Mas lalong tumindi ang kaba ko at rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.
Ang kaba ko ay dinadala ang katawan ko sa pag galaw nito. Hindi ako nagalaw pero sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay napapagalaw ang katawan ko nang bahagya na tila sumasabay sa pag tibok ng puso ko.
"I'll just talk to them! Let me go!" Pag wawala niya dahil hawak siya ng isang guard. "Argh! I said let me go!" Muli niyang bulyaw.
"Let her go." at duon, duon madurog ang puso ko. Sa dami namin bakit siya pa ang mag sabi no'n? Masama ang tingin niya sa guard at malamig ang boses niya. "Giann." Na estatwang bulong ni Alexa nang sabihin niyang pakawalan siya ng guard.
At ako eto, nakatingin sa kanilang dalawa na mag katitigan ngayon. Dinudurog ang puso ko sa mga nakikita ko. Ang sakit, sobrang sobrang sakit.
To be continued..
![](https://img.wattpad.com/cover/118597321-288-k531671.jpg)