Chapter 7

55 5 0
                                        

Kristelle.

Natapos ang successful naming design and props ngayon ay nasa back stage kami para ayusin yung mga gagamiting props dito sa pageant.

"Goodevening again everyone!" Narinig ko ang mga sigawan nila matapos bumati ni maam Hanna, ang adviser ng SSG. "Are you ready to see the candidates?!" Mas lalong lumakas ang hiyawan na naririnig ko. Grabe yung suporta nila sa mga candidates.

"Kinakabahan ako." Napatingin kami ni Princess kay Alexa. Halata sa kanya yung kaba pero naitatago niya yun sa mga ngiti niya. "What? Kinakabahan ka?" Pag tataray ni Princess.

"Ay nako Alexa! E sure na naman na panalo ka, lakas kaya ng audience impact mo!" Pag papalakas ko ng loob sa kanya pero totoo naman. Ang lakas ng audience impact nito. Sa ganda ba naman niya e, lalo na pag ngumingiti siya. Ang sweet kasi ng ngiti niya.

"Hindi tayo sigurado." Sabi niya at pinunasan ang pawis sa gilid ng noo niya. "Ha? Bakit naman?" Tanong ulit ni Princess. Lumingon si Alexa sa kaliwang direksyon at nagulat kami sa nakita namin.

Si Amy. Kasali pala siya dito?! Ohmy! E Queen bee yan ng past school niya! Bukod don, ang dami niyang awards sa mga modeling and school competitions ng muse. Oh! Lumapit siya samin at nginitian ako ng sobrang tamis.

"Hello, kasali ako dito."

"Obvious naman e." Bulong ni Princess kaya siniko ko siya. "Ah, Princess. Bakit hindi ka sumali?" Tanong ni Amy sa kanya.

"No thanks. Ayaw kong mapagod ngayon." Sagot ni Cess at nag flip hair pa. Taray talaga neto e! Minsan talaga kahit ka klase sinusungitan. Tsk.

"Oww, I see. Bye! Goodluck, Alexa." Sabi niya at umalis. Napabuntong hininga nalang ako. Grabe!
Parang hindi si Amy ang nakita ko.

"Ahm, hayaan mo na siya Alexa. For sure naman mananalo ka kesa sa kanya!" Ngumiti ako at hinila na paalis dun si Princess. Pag dating namin sa ground ay nakita ko ang mga audience na malakas ang hiyawan.

"Uyyy!" Napatingin kami pareho ni Princess at Raven na tinawag kami. Umirap naman si Princess at tinignan ng masama si Raven. "Ano na naman Raven?! Pagod na pagod na kami tapos uutusan mo na naman kami?!" Napakamot sa ulo si Raven at pinag papawisan pa.

"Ah--eh, ano Kristelle! May nag papabigay ng bulaklak sayo." Inabot niya sakin ang boquet at umalis na pero hinila ko siya. "Kanino galing to?" Tanong ko. Nag kibit balikat lang siya tapos tinapik ako. "Di ko kilala e, pahinga na kayo." Sabi niya tsaka umalis na ng tuluyan.

Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko. At kanino naman to galing? Baka naman pinag ti tripan lang ako ni Raven! E yan pa? Maloko yan e. Pero hayaan na, maganda naman yung flowers.

"Ayan ha! Ang haba haba ng buhok mo. May Giann-- ano nga pala nangyari kay Giann?"

Napabuntong hinga ako. Ano nga ba nangyari samin matapos niyang pumunta sa bahay kagabi?--its not what you think. Ganto kasi..

"Giann?"

Pumasok siya sa kwarto at hinawakan ang kamay kong nag dudugo. Pinatayo niya ako dun at pinaupo sa kama. Hindi ko pa din mapigilan ang pag iyak ko. Hindi ako maka paniwalang nandito na si Giann.

"Kristelle, mag ingat ka naman sa susunod!" Galit pero nag aalala niyang sambit. Hindi ako makapag salita. Tinitignan ko lang siya habang ginagamot ang sugat sa kamay ko. Basta ang alam ko nandito siya at masaya ako.

Alam kong babalik siya sakin. Alam kong hindi niya ako iiwanan. Alam kong hindi siya susuko ng ganon ganon lang. "Ano bang nangyari? Bakit hindi ka pumunta sa cafe?" Tanong niya sakin.

Sinabi ko naman sa kanya yung ginawa ni Kyrie. Tumawa pa nga ako kahit medyo plastik pero seryoso lang ang muka niya. "Alam mo bang hinintay kita mag hapon?" Tanong na naman niya sakin habang nililigpit niya yung first aid kit.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon