Chapter 32

30 5 0
                                        

Kristelle.

Halos mag hapon magdamag na akong tumambay dito, nakaupo sa damuhan habang hinahaplos ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng taong mahal na mahal ko. Kaya nang makaramdam ako ng lamig sa balat ko ay nag paalam na ako kay Giann.

"Babalik ako bukas dito babe. Pangako yan sayo. Babalik ako kahit iniwan mo na ako." Mapait kong paalam. Tumalikod ako at muli uling humarap, "At!" Susundan ko na din naman ang sasabihin ko hinahantay ko lang na tawagin ako ni Giann sa hagdan kahit sobrang imposible.

"Ku-kwentuhan kita bukas babe. Mag papatugtog din ako ng music na favorite natin. Cant help falling inlove diba babe?" Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ko at kasabay nuon ay ang pag hikbi ko. "Sige na nga, aalis na ako. Pinapaiyak mo lang ako lalo, e."

Tumalikod na ako ay pinilit ang sarili kong wag siyang lingunin. Wag lingunin ang lupa kung san siya naka baon. Sana bukas, makita ko siya. Sana bukas magising ako sa panaginip na to. Sana bukas mayakap ko na siya. Sana bukas... sana bukas....

"Nak are you okay?" Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ako. Halos lahat sila nandito padin. Hindi ko alam kung bumalik ba sila o hindi na umalis. Nakatingin lang sila saking lahat. Natawa ako ng mahina. Isang pekeng tawa na lalong nag patingin sa kanila at mangwestyon ang mga mata.

"Salamat." Naguluhan sila sa sinabi ko. Ngumiti ako ng pilit. "Salamat pero sana hindi niyo nalang tinago sakin. Congrats! Hindi ako nag alala pero pinag muka niyo akong tanga." Pagkatapos non ay dumertso akong nag lakad papataas sa hagdan ng hindi sila nililingon. Ayoko muna silang kausapin ngayon. Ayoko muna silang makita.

"Anak!" Narinig ko pang tawag ni mom. "Hayaan na muna natin siya." Sagot naman ni Dad.

Pag bukas ko ng kwarto ko, isang tahimik at madilim na kwarto ang bumungad sakin. Darl blue ang kulay mg makapal na kurtina at ang paligid din, dark ang color.

Isinarado ko ang pinto at nag libot sa kwarto ko, walang alikabok akong nakita pero isang picture ang nakita ko. Picture namin ni Giann nung graduation day. Mag kayakap kami dito at masayang masayang hawak din ang diploma sa kamay.

"I miss you." Halos mapatalon ako sa narinig kong boses. Ang boses na 'yon. Ang boses ni Giann. Nilingon ko kung saan nang galing ang tunog at nagulat ako sa nakita ko. Napatakbo ako at agad na lumapit dito.

"I miss you so much." Sunod sunod na tumulo ang luha ko. Halos patayin na ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Naninikip na din ang dibdib ko at gustong gusto kong hilahin palabas si Giann sa loob ng screen ng TV.

It was a video clip he sent me when I was in Paris. Hindi ko din alam kung paanong nag play ito pero inisip ko nalang na nandito si Giann at siya ang nag play niyan para sakin.

"I miss you too Giann. I miss you so much." Dahang dahang pumatak ang luha sa mga mata ko. At kahit anong punas ko ay hindi ko padin ito mapigilan.

"Kamusta kana?" Nag p-play padin ang video at patuloy padin ang pag buhos ng luha ko at kinakausap siya na parang naririnig niya ako.

"Hindi ako ayos Giann, hindi. Kailangan kita Giann, e. Bakit mo ako iniwan?" Para na akong tanga na kausap ang TV pero hindi, mas gugustuhin ko pang maging tanga. Mahal na mahal ko si Giann pero bakit ganito? Bakit si Giann pa? Bakit kailangang mangyari pa ang bagay na to?

"Okay lang ako dito, babe. Pero na mimiss talaga kita. Hahantayin kita sa pag uwi mo okay? Pag uwi mo bibigyan kita ng kiss and hug! I love you so much babe Kris."

"Asan na yung hug at kiss ko Giann? Asan na? Wala na? Ganon nalang ba yon? Ganon nalang ba? Na basta mo nalang akong iniwan? Ang sakit Giann. Sobrang sakit."

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon