Chapter 34

29 5 0
                                        

Apat na araw na simula nung nag kulong ako sa kwarto ko. Walang nakakausap sakin. Tuwing gigising ako may pagkain na pero hindi ko din naman nagagalaw. Nagiging kalat lang sa kwarto ko.

Simula nung mag ka usap kami ni Murvyn, ayun nalang 'yon. Nagising nalang ako sa kwarto ko at nilalagnat na ako pero hindi ko na hiningi ang tulong ng kahit na sino lalo na nang marinig ko ang pinag uusapan ni mom and dad the day bago ako mag kulong sa kwarto ko.

"Gino bakit mo ginawa yun?" Inis na tanong ni mom kay Dad. "Wala na akong ibang choice Lyn! Kung hindi natin gagawin yun tuluyang mawawala satin ang pinag hirapan natin ng ilang taon. Hahayaan mo nalang bang mangyari 'yon?" Tanong pabalik ni Dad kay mom.

"Pero hindi mo na inisip ang nararamdaman nig anak mo!" Sigaw muli ni mom. Nanatili lang akong tahimik at umalis ng luhaan matapos marinig ang sagot ng tatay ko.

"Nararamdaman niya? Ano pang mararamdaman niya Lyn? Patay na si Giann! Wala na siyang magagawa kundi tanggapin nalang ang bagay na 'yon!"

Napabuntong hininga nalang ulit ako matapos alalahanin ang bagay na yon tsaka ako tumayo at nag hilamos. Pagkatapos kong mag hilamos ay tsaka ako kumilos para linisin ang buong kwarto ko.

Naka lock ang pinto at nag palsak nalang ako ng headset sa tenga ko. Nag linis linis ako ng kwarto ko hanggang sa makita ko ang picture frame sa bedside table ko. Nakita ko na naman ang picture namin ni Giann.

"Good morning babe, sinisumulan ko ng ayusin ang sarili ko. Pupunta ako sa paborito nating lugar mamaya at mamamasyal na din ako sa mall. Kailangan ko ng sariwang hangin para makapag isip ng plano. Alam mong ayokong matuloy ang kasal, tama ba?" Ngumiti ako bago tinuloy ang pag lilinis.

Pagkatapos kong mag linis ay tsaka ako maligo at inayos ang sarili ko. Suot ang bestidang puti na niregalo sakin ni Giann last birthday ko. Ang sabi niya sakin bagay daw to sakin e.

Naka braid ang buhok ko at nag lagay lang ako ng light make up sa muka. Ganto ang ayos na gusto sakin ni Giann. Napaka ganda ko daw pagmasdan kapag ganito ang suot ko. Dinala ko lang ang wallet at phone ko at sinukbit ang shoulder bag ko pagkatapos ay umalis na.

Nakasalubong ko si Kyrie sa salas at good thing, wala daw si mom and dad. "Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin. "Sa mall lang." sagot ko at nilagpasan na siya.

"Mag ingat ka!" Sigaw niya pabalik. "Wag mo sasabihing umalis ako." Huli kong sabi at sumakay na ng kotse ko. Hindi na rin naman yon papansinin ni mom and dad dahil alam ko namang busy sila sa kanya kanya nilang buhay at opinyon sa buhay kaya pati ang ibang opinyon hindi na nila pinapakinggan.

Tinawagan ko si Ally sa kabilang linya. Afterall, siya padin ang mas nakakakilala sakin ng tunay.

"Ally?" Pag bungad ko matapos niyang sagitin ang tawag.

["Kristelle? Bakit ngayon ka lang nag paramdam? Kamusta kana?"] tanong niya sakin. Ni loud speak ko ang phone at hinayaan sa dash board ng kotse ko bago nag simulang paandarin ito sa malayong mall kung saan walang nakakakilala sakin.

"Okay lang. Trying to fix my self. Gusto lang sana kitang kausapin." Ayun lang ang sinabi ko pero nakarinig din ako ng ingay mula sa kanila.

["Kris, nandito lang kami!"] dinig ko pamilyar na boses. Kay Marielle.

Niliko ko ang kotse ko at wala ng ibang nagawa kundi ang pumunta sa kanila. Kaibigan ko sila at alam kong maiintindihan nila ang sitwasyon ko.

Pag dating ko sa kanila nakita ko silang nag hahantay sakin at pinapasok nila ako sa bahay.

Bumungad sakin si Marielle kasunod si Ally na malaki ang tiyan. Habang pinaupo naman ako ni Andrei at ikinuha ng inumin.

Pag lapag ni Andrei ng baso sa harap ko ay siya ding pag bagsak ng luha sa mga mata ko.

"Gusto ko ng umalis sa bahay." Ayun lanh ang nasabi ko at hinagod ni Marielle ang likod ko. "Shhh, don't say that." Suway niya sakin.

"Ano pang gagawin ko? Para san pa't nabuhay ako? Una, pinadala ako sa Paris para sa kompanya. Pangalawa mababalitaan kong patay na si Giann, ang lalaking mahal ko? At etong pangatlo? Ang piliting ikasal ako kay Murvyn? At ano? Sasabihin nilang tanggapin ko dahil patay na si Giann?! Tell me! Para san pa't nabuhay ako? Gusto ko nalang mamatay! Sana ako nalang yung namatay! Sana hindi na si Giann, sana ako nalang!" Niyakap ako ni Marielle at patuloy padin ang pag tulo ng luha sa mga mata ko.

"Inalis na nila sakin ang karapatan ko, e. Wala ba akong karapatan na mag luksa muna? O di kaya'y mag desisyon para sa sarili ko o mag pahayag ng opinyon para sa kumpanya namin? Hindi na nila ako pinakinggan, tinanggalan pa nila ako ng karapatan! Buhay pa ako pero parang pinapatay na nila ako."

Nakita ko ang pag tulo ng luha sa mga mata ni Ally. Napaka emesyonal niya na ngayon, at iyon din ang dumurog sa puso ko.

Nadadamay ko na talaga sila. Siguro kailangan ko nang lumayo sa kanila. Dahil kapag patuloy akong nanatili sa kanila, baka sila naman ang masira ko.

Kapag patuloy kong hinayaang makita nila ako sa mundo, at patuloy kong hinayaang damayan nila ako sa mga hinahakit at problema ko sa buhay, baka pati sila ay masira din ng tuluyan.

At iyon ang hindi ko kayang makita, hindi ko kayang makita na mawawala sila unti unti sakin. Na mawawala ang saya na meron sila.

Muli akong napaluha sa desisyon na naisip ko, tumigil ako sa pag iyak at niyakap sila ng mahigpit.

"Im sorry, Im sorry for everything."

To be continued...

a/n: short update! Last 6 chapters! Enjoy reading everyone! Godbless❤️

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon