Chapter 1: New Girl In Town

48.8K 825 35
                                    

Sa mundong ito..

Dalawang klase lang ang tao..

Isang manloloko..

At isang nagpapaloko.

Di natin alam kung saan tayo napapabilang lalo na siguro kung wala tayong kaalam alam o nakalimutan natin ang nakaraan..

---------

Lian's POV:

" Eto na po ang schedule nyo sa papasukan nyong school young lady.." sabi ni Darius sabay abot ng folder sa akin.

Binuklat ko ito at pinasadahan ng tingin.

Kahapon lang ako nag-exam sa Crimdin Academy..

Akala ko nga di ko maipasa ang exams kasi wala naman akong maalala pero tila madali lang naman sa akin ang sasagutan.

At di ko pa inakalang mapeperfect ko ang exam.

" Darius, sino ako sa tingin mo?" biglang tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin mula sa rearview mirror ng kotse.

"Isang mabait at matalinong babae. Bukod pa sa maganda, young lady.." sagot nito saka ngumiti.

Namula tuloy ako.

Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana at di na nagsalita pa.

Tahimik na kami pareho habang papunta sa paaralang papasukan ko.

Pakiramdam ko ay di ito ang school ko dati pero di na ako nagtanong pa.

Ayaw kasi ni Phantom ang mausisa.

Pinagmamasdan ko na lamang ang tanawin na aming madadaanan.

Malayo sa syudad ang Crimdin Academy.

Mapuno din ang gilid ng daan.

Ano kayang mangyayari sa akin dito?

"Andito na po tayo young lady. Kung may kailangan kayo ay tawagan nyo lang ako. Kabisado ko na naman ang schedule nyo kaya alam ko na ang oras ng iyong pag-uwi." mahabang pahayag ni Darius habang ipinagbukas ako ng pintuan ng kotse.

Bumaba na ako at saka inilibot ang tingin sa paligid.

Ganito pala ang Crimdin Academy.

Malawak ang sakop na lugar at matataas ang building.

Inabot ni Darius ang aking bagpack.

Humugot ako ng malalim ng hininga bago nagsimulang humakbang papasok.

So this is it!

Kaya mo to, Lian..

Make friends!

"Goodmorning po!" nakangiti kong bati sa guard at inabot ang aking passes na kasama sa ibinigay ni Darius.

Ngumiti naman ito pabalik at saka pinapasok ako.

Inabot nito sa akin ang mapa ng school.

Tiningnan ko naman itong mabuti bago tumingin sa mga building.

Napakamot ako sa ulo dahil imbes na makatulong ang mapa ay mas naguguluhan ako.

Naglakad nalang ako papasok sa unang building na nasa harap.

Baka andito ang opisina ni head mistress.

Bakit kaya ang tahimik sa hallway?

Wala bang pasok ngayon?

"Naliligaw ka noh?"

"Ay kabuting biglang sumulpot!" gulat na nasambit ko sa pagkabigla.

Paano kasi eh ang tahimik ng buong lugar at seryoso ako sa pag-iisip eh may bigla nalang magsasalita sa likuran ko. -_-'

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon