A/N: dahil no.1 tayo ngayon sa adventure category eto na yung update...
Thank you guys!
++++++++++
Lian's POV:
Nagulat ako ng biglang pumasok si Lion sa loob ng aking silid.
Ilang araw ko na ding di nakikita ang lalaking ito.
Namumula ang mata niya at ang lungkot ng itsura.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Ibinaba ko ang hawak na magazine at saka mabilis na lumapit sa kanya.
Akmang hahawakan ko siya pero agad siyang umiwas at pabagsak na nahiga sa kama.
"Lasing kaba, Lion?" tanong ko at naupong muli sa kama.
Umiling siya.
Inilagay niya ang kanang braso sa kanyang mata.
"Im sorry, Lian... Mukhang ako ang dahilan ng pagiging mesirable mo ngayon.." sambit niya.
Naguguluhan ako..
Teka! Anong ibig niyang sabihin?
"Hoy! Lion anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya at niyugyug ko pa siy ng konti.
Pero mukhang nakatulog na siya.
Napabuntong hininga ako at saka inayos siya sa pagkahiga.
Hinubad ko ang suot niyang sapatos.
Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
May natuklasan ba siya sa loob ng ilang araw niyang paghahanap sa mag-ina niya?
Napabaling ako ng biglang magring ang celphone ko.
Agad ko itong dinampot at sinagot dahil baka magising si Lion.
Lumabas ako ng silid.
"Hello, Kate?" ako.
"Hi! Friendshipz!" chorus ng apat sa kabilang linya.
Nagulat ako.
Magkasama silang apat?
Tsk! Saan na naman kaya ang lakad ng mga ito?
"Dali, Lian! Punta ka rito! Ngayon natin kukunin yung gown na gagamitin natin bukas!" boses ni Monique.
"Nasaan kayo?" ako.
"Sa Greez botique... Halika bilis!" sagot ni Nina.
Tsk! Napailing nalang ako.
"Okay andyan na!" sagot ko.
Bumalik ako sa silid at kumuha ng damit.
Nagpalit ako sa loob ng banyo at saka lumabas ng bahay.
Nasalubong ko pa si Brad at Darius sa may pinto..
"Saan ang punta mo?" tanong ni Brad.
"Kina Monique..." sagot ko.
"Ihahatid na kita.." sabi ni Darius.
Umiling ako...
"No, don't bother... Mabobore ka lang..." sagot ko.
Umalis na ako gamit ang pulang kotse ni Phoenix.
Nasa mansion nga pala ako ni Phantom kaya ang dami na namang sasakyan dito.
Mabilis akong nagdrive patungo sa usapang lugar.
Kaagad akong pumasok sa loob ng botique at hinanap ang mga kaibigan.
"Hello po mam, ano pong gusto niyong isukat?" nakangiting tanong ng saleslady na agad sumalubong sa akin.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...