Rave's POV:
Mula sa terace ng aming HQ ay natanaw ko si Lion na mabilis na pumarada sa harap ng bahay.
Lakad takbo din ang ginawa niyang pagpasok.
Napakunot noo ako.
"Anong sadya mo?" tanong ko sa kanya.
"Tingnan mo ito.." sambit niya at kaagad na binuksan ang laptop sa harap ko.
Ngayon ko lang napansin na dala dala pala niya.
Nagbrowse siya ng konti at nagulat ako sa larawang bumungad sa akin.
Angel ko...
"Kuha ito sa cctv nang 3rd empire. Hawak ni Apollo si Lian at ginagamit niya ito upang makuha ang nais. Hindi ko lang alam kung papano niya napasunod si Lian sa mga nais niya. Pero sabi ni Dad, may tauhan si Apollo na magaling sa mga ganyan." mahabang paliwanag ni Lion.
Napatiimbagang ako at tininngnang mabuti ang larawan.
Parang may mali...
Mas nilakihan ko pa at nakafull zoom talaga ang mukha ni Lian.
Nakatago ang kanang bahagi ng kanyang mukha sa snipers gun pero kita pa ang kaliwa.
Napasinghap ako ng makita ang hinahanap.
"Pula ang mata niya.." nabiglang sambit ko.
"Oo nakita din namin yan. Eto ang isa pa.." sagot ni Brad at muling nagbrowse.
Nakatalikod naman dito si Lian.
Nag- zoom in din si Lion.
Napakunot noo ako ng makita ang isang bagay sa may batok ng dalaga.
Tila gagamba itong nakakabit sa leeg niya.
"Mukhang ang gadget na iyan ang kumukontrol sa kanya. Nakausap ko si Darius, sabi raw ng mga tauhan niyang nakasagupa nina Lian ay kakaiba daw ang lakas ng dalaga at tila wala daw sa huwisyo." anang ni Lion.
Saglit kaming binalot ng katahimikan.
Sino ba talaga ang totoong kalaban at bakit si Lian ang palaging target nila?
"Kailangan kong iligtas si Lian." sambit ko.
"Tutulungan ka namin.." sagot ni Lion.
Tumango ako at pumasok sa loob.
"Etract mo si Lian.." utos ko kay Gian.
Kaagad namang sumunod ito sa akin.
"Nick, ihanda mo ang mga underlings natin. Babawiin natin ang Angel ko.."
Kaagad namang tumayo si Nick at sinimulang kontakin ang mga grupo.
"Kailangan mo ito.. Gamitin mo sa oras na magkaharap kayo.." sambit ni Lion habang inaabot ang isang baril.
Kilala ko ang baril na ito.
Madalas itong nasa bag ni Lian.
Napakunot noo ako.
"Gusto mo bang patayin ko ang mahal ko?" galit na sabi ko.
Umiling si Lion pero ngumisi lang.
"Hindi, pero palalabasin natin gaya ng ginawa ni Lian sayo.." sabi niya.
Kinuha ko ang baril at sinuri.
Tinanggal ko ang bala sa loob.
Tama, ito yung ginamit ni Lian para palabasing patay na ako..
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
AksiBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...