Being AFRAID is an act of cowardness.
But being afraid of losing you is the MOST brave thing ive ever do...
----------------*--*--*------------------ Lian Vena
++++++++
Lian's POV:
Ilang araw na akong nakakulong sa silid na ito.
Bawat galaw ko ay binabantayan ng mga tauhan ni Daddy at ni Phantom.
Kahit si Lion at Brad ay palaging nakamasid sa ikinikilos ko.
Ano ba talaga ang nais ko?
Ito ba?
Gusto kong malaman ang totoo..
Gusto ko na ng matahimik na buhay at di ito magaganap kung mananatili akong nangangapa sa dilim.
Ibinagsak ko ang katawan sa kama at tumitig sa kisame.
Rave, namimiss na kita...
"Lian, anak... Pwedi ba akong pumasok?" isang mahinang katok sa pinto ang nagpabaling sa akin.
Maya-maya ay bumukas ito at sumungaw si Mommy..
"Can i come in?" nakangiting tanong niya.
Tumango ako at umupo sa kama.
"Alam kong naguguluhan ka anak.. Maging kami ng daddy mo ay nahihirapan na din. Hindi namin alam ang plano ni Sauro.. Kailangan muna naming makasigurado anak.." sambit niya.
"Alam ko ma, and you need to help me. Si ninong lang ang makakasagot sa tanong natin diba? Kaya kailangan naming magkaharap.." sagot ko.
Rumihistro ang gulat sa mukha ni mommy.
Ilang saglit din siyang nakatitig bago mahigpit na iling.
"Hindi... Ayokong mapahamak ka anak... Siya pa din si Dos ng Empire.. At siya pa rin ang nagturo sa iyo.." Tanggi ni mommy.
"Tama, siya nga ma.. Kaya kabisado ko ang galaw niya. Hayaan nyo na ako mommy.. Please.." pagmamakaawa ko.
Ginagap ko ang dalawang kamay ni Mommy.
"Ginagawa mo ba ito para sa Rave na iyon?" tanong niya.
Saglit akong di nakaimik.
Maya-maya ay nagpakawala ako ng isang buntong-hininga.
Bumitaw ako at saka tumayo.
Lumapit ako sa bintana at tumingin sa kawalan.
"Oo mama... Natatakot ako.. Natatakot akong mawala siya sa akin..." sambit ko at humarap kay mommy.
Nakatingin lang siya sa akin.
"Kung dati ay isa lang ang ipinaglalaban ko... Ang mabuo lang ang pamilya natin... Ngayon mom, buo na tayo.. Pero may kulang pa din.." saglit akong tumigil at muling tumingin sa labas.
"Si Rave... Isa siyang gangster.. Pero nakuha niyang iwan ang lahat para sa akin.. Sa ilang araw ko rito, napag-isip ko.. Si Rave na ang mundo ko.. At ayokong mawala siya sa akin." mahabang pahayag ko at saka pumatak ang luha sa aking mata.
Kaagad ko naman itong pinahid.
Nanatili lang ako sa ganung posisyon.
Narinig ko ang pag-ingit ng kama at ang yabag ni mommy papalabas ng silid.
"Gawin mo ang nais mo, tutulungan kita.." narinig kong sabi ni mommy bago sumara ang pintuan ng aking silid.
Napasinghap ako.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...