Lian's POV:
Hay! Papasok na naman ako ng school.
Wala ng ibang inatupag kundi ang mag-aral..
Nakakatamad!
"Young lady, nakahanda na ang sasakyan mo.." sabi ni Darius at sumungaw ang ulo sa may pintuan.
Aisshh...
Isa pa to..
Nalate lang ako ng uwi naka ban na agad ako sa kotse.
Napasimangot akong humarap kay Darius.
"Di ba talaga pwede? Promise di na ako maglalakwatsa.." sabi ko.
Napailing naman si Darius.
"Di talaga pwede, Young Lady.. Magagalit si Phantom."
Di nalang ako sumagot at ipinagpatuloy nalang ang pag-aayos sa harap ng salamin.
Napangiti ako ng maalala ang nangyari sa pag-uusap namin ni Rave.
Totoo kayang boyfriend ko siya?
Ang swerte ko naman kung ganun.
Mukhang sikat na sikat siya kahit sa ibang school eh..
Isa pang katok sa pinto ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Oo, andyan na.." sigaw ko at kinuha ang bag.
Akmang tatalikod na ako sa salamin ng mapansin ko ang tattoo sa aking balikat.
Nakasuot lang kasi ako ng sandong itim na papatungan ko ng blazer katerno ng pantalon ko.
Wash day naman kaya kahit anong get up eh pwedi.
Ano kaya talaga ito?
Para naman akong dilingkwente nito..
Di tuloy ako makapagsuot ng sleeveless at nakakailang na makita nila ang tattoo ko.
Di naman siya phoenix kaya di ito simbolo ng pagiging Phoenix ko..
Sinipat ko pang maigi ang tattoo.
"Young lady tayo na po.." sabi ni Darius at muling binuksan ang pinto.
"Darius, may alam ka ba kung bakit may tattoo ako? Am I a gangster? Eh kasi diba mga gangster lang ang may tattoo.. Tsaka diba bawal nito sa school?" tanong ko kay Darius.
Saglit namang natigilan si Darius.
Tila nag-iisip pa ng isasagot.
"Wala po akong alam sa tattoo niyo,Young lady.. Si Phantom nalang po ang tanungin niyo.." paiwas na sagot nito.
Si Phantom?
Eh wala yun eh!
Sabi darating pero buwan na mula ng magtext siya eh wala pa din.
"Hayaan mo na nga lang! Tara malelate nako.." sabi ko at binitbit na ang bag at blazer saka nauna ng lumabas ng silid.
Nakasunod naman sa akin si Darius.
Ipinagbukas niya ko ng pintuan ng kotse.
"Darius, pwedi ba tayong bumalik doon sa pinuntahan natin dati?" tanong ko sa kanya.
Napangiti naman si Darius.
"Mukhang nagustuhan mo na doon ah! Nawili ka ng bumalik.." pqnunukso nito.
"Masaya kasi.." sagot ko.
"Okay.. May kakausapin din ako uli doon mamaya.." sagot nito.
Isinandal ko ang ulo sa sandalan at saka pumikit.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...