Chapter 25: Rescue Final

23.9K 583 45
                                    

A/N: helo there! Namimiss ko na kayo mga readers ko.. Sobrang tahimik ng notifs ko ngayon -_-' nasaan na kayo?

Gusto nyo pa ba ang flow ng story o ititigil ko na?

Anyways EMO mode..

So heres the update..

-------

3rd Person's POV:

Sabay na napalingon sa iisang dereksyon ang grupo nina Rave, Brad at Lion.

Isang malakas na pagsabog ang naganap at yumanig ang buong isla.

"Ano yun?" tanong ni Nick kay Rave.

Napailing naman ang binata.

Maging siya ay nagulat sa pagsabog.

Kanina pa siya kinakabahan dahil wala siyang natanggap na sagot mula kay Lian.

"Rave, Lion, Nick at Louie, kita tayo dito sa may bangin.. Bilisan niyo. Andito nanggaling ang pagsabog!" boses ni Brad mula sa earpiece.

"Copy!" halos sabay sabay na sagot nila.

Kaagad na tumakbo ang dalawang grupo at hinanap ang lugar na sinasabi ni Brad.

-----

Rave's POV:

Kaagad naming hinanap ni Nick ang bangin na sinasabi ni Brad.

Mabilis ang takbo namin na nagpasuot suot sa kakahuyan.

Subalit bigla kaming napatigil ng may biglang nagliparang shuriken sa dereksyon namin.

Buti nalang at mabilis ang reflexes namin at agad na nailagan ang mga ito.

Napatalon kami paatras upang iwasan ang mga shuriken.

Mabilis akong nakapagtago sa likod ng puno kaya sa puno bumaon ang mga ito.

Kaagad namang naglabasan ang mga ninjas ng mafia at sinugod kami gamit ang kanilang mga espada.

Inilabas ko din ang dalang patalim.

May kahabaan naman ito ng konti kaya pwede na ding ipanlaban sa espada.

Nakita kong ganun din ang gamit ni Nick.

Kung sabagay, kanina pa kami naubusan ng bala sa dami ng mafiang nakasalubong namin.

Kaagad na sumugod ang tatlong ninja sa akin.

Binaligtad ko ang hawak sa patalim at ang dulo nito at nakatuon palabas.

Ginamit ko din ang isang kamay ko upang masangga ang braso nila.

May sumaksak sa akin sa gilid kaya ikinurba ko ang katawan pakabilang dereksyon upang iwasan ito saka ko isinagga ang patalim sa espada.

Umikot ako kasabay ng pagsipa at natamaan ko naman ito sa tyan na nagpatilapon dito palayo.

Sumuong naman ako sa ilalim ng isang akmang sasaksak din sa akin at saka hinawakan ko ang braso niya at inangat siya sa ere saka itinapon sa mga kasama nila.

Sabay ang tatlong napahiga sa lupa matapos tamaan ng lalaking inihagis ko.

Kaagad namang nakabangon ang isa at sinugod ako kaya sinabayan ko ang ataki niya at tumalon ako kasabay ng pagsipa sa katawan ng puno upang maihagis ko ng mabilis ang katawan patungo sa kalaban.

Iniumang ko ang patalim at deretsong sinaksak sa dibdib ang kalaban.

Napasuka ito ng dugo.

Bumulwak naman ang dugo nito sa dibdib ng bunutin kong muli ang patalim.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon