Lian's POV:
"Anong ginagawa nyo rito... Daddy?" sambit niya.
Nagulat ako sa narinig.
Siya ang papa ni Rave?
Di ko gaanong makita ang mukha niya kasi nasa madilim na bahagi sila plus natatakpan pa ng mga bodyguards niya.
Bukod pa sa may kalayuan din sila sa amin.
"Gusto ko lang makilala ang mamanugangin ko, Raven.. Gusto long makita ang babaung kinahuhumalingan mo.." sambit ng papa ni Rave.
Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Rave sa akin.
Bakit ba tense siya sa pagdating ng papa niya?
Sino ba ang taong ito?
Kinabahan tuloy ako sa nangyayari.
"Kumusta ka na?...... Lian.." sambit ng papa niya at saka dahan dahang naglakad papalapit sa amin.
Napasinghap ako sa gulat ng tuluyang masilayan ang itsura ng daddy ni Rave.
"Ninong?" nanlalaki ang mata ko.
Di ko enixpect na ang daddy ni Rave at ang Ninong ko ay iisa.
Napangiti ako at mabilis na humiwalay kay Rave.
Kaagad akong lumapit sa kanya at yumakap sa nakabukas niyang mga braso.
-------///--------
Rave's POV:
Mali talaga ito..
Pakiramdam ko ay may pinaplano si Papa sa bigla niyang pagsulpot sa anniversary namin ni Lian.
Pero ang nakakagulat sa akin ay ang biglang pagyakap ni Lian sa kanya.
Ninong?
Ninong niya si Daddy?a
Kung ganoon ay nagkita na sila noon?
Imposible namang matagal na panahon silang di nagkita pero naalala pa rin siya ni Lian.
Eh ako nga ang tagal bago niya naalala na magkababata kami.
Pero bakit ako kinukulit ni Dad na hanapin ang isang Vena?
Naguguluhan talaga ako.
Kanina pa sila nagkukwentuhan.
Bakas ang saya sa mukha ni Lian habang nakipag-usap sa kanya.
Nilapitan ko na sila.
Ayoko sa nakikita ko.
Di pa ako sigurado sa plano ni Dad.
"Angel ko..." tawag ko kay Lian.
Nakangiti naman siyang bumaling at yumakap sa akin.
"Hubby..." masayang sambit niya.
Tiningnan ko si Dad na nakangisi sa akin.
"Mauna na ako Lian.. Mukhang di gusto ng anak ko ang presensya ko rito.." sabi niya.
"Sige po Ninong.." sambit ni Lian.
Umalis na nga si Dad kasama ang mga alalay niya.
"May problema ba hubby?" tanong ni Lian.
"Anong pinag-usapan niyo at mukhang close kayo ni Dad?" tanong ko.
"The List.. Hubby, siya ang nagbigay ng list sa akin.." sagot naman niya.
List?
Anong listahan naman iyon?
-------///-------
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
AcciónBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...