Epilogue: Grand Finale

25.9K 554 44
  • Dedicated kay TLA OP's
                                    

Jaya's POV:

"Hoy Kate bilisan mo na!" sigaw ko mula sa sala.

Kailangan naming pumunta ng maaga at baka matraffic kami..

Uusok na naman yung ilong ng baklang kaibigan ni Nina.

Asar yun last week..

Nalate lang ako ng konti ay nagalit na agad.

Tsk! Sayang ang gwapo pa naman..

"Kate ano ba?!" sigaw ko muli.

Nakarinig na ako ng pagtigil ng sasakyan sa labas ng townhouse namin ni Kate.

Tss.. Andito na si Lion.

Napagpasyahan kasi naming magkaibigan na bibili ng iisang bahay at doon kami titira.

Ako, si Nina at Kate ang nakatira pero si Lian talaga ang bumili.

Ang yaman naman ng isang iyon eh..

"Andyan na nga eh!" maktol na sagot ni Kate at bumaba na.

Napangiti naman ako.

Blooming ang bruha!

Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Lion.

Napakagwapo rin nito sa suot na barong.

Kaaggad na nilapitan nito si Kate at hinalikan sa pisngi.

Ang sweet ng dalawang ito.

Hindi mo iisiping dati ay parang aso't pusa sila kung magbangayan.

"Let's go ladies... Baka malate tayo at magalit pa si Lian.." nakangiti nitong sabi.

Napatawa tuloy kami.

Oo nga.. Baka magalit yun mahirap na.

Humawak ako sa kabilang braso ni Lion pero sinimangutan ako ni Kate.

Kaya ang siste eh nauna nalang ako.

++++

Gian's POV:

Tsk! Ang pogi ko talaga.

Kanina pa kami pinapalibutan ng mga babaeng bisita dito.

Nag-eenjoy naman si Louie.

Palibhasa napakaplayboy.

Nagpark ang isang kotseng itim sa labas at bumaba ang isang magandang babae.

Kaagad na humulma sa labi ko ang masayang ngiti.

Mabilis akong lumapit at sinalubong siya.

"Akala ko hindi kana darating." sambit ko sa kanya.

"Of course I would come.. Gusto ko siyang makita at makilala ng personal." sagot naman nito.

Natatawang naiiling ako.

"Let's get inside.. Ilang minuto nalang at andito na sila." sambit ko at inalalayan siya sa kanyang braso.

She's Major Janice Buenafe..

An NBI and she's my girlfriend.

++++++

Louie's POV:

Natatawa ako habang pinagmasdan ang pabalik balik na paglalakad ni Rave.

Masyadong tense ang lalaking ito.

Malapitan nga..

"Relax Rave.. Darating din yun.. May kalahating oras pa oh!" sabi ko at tinapik ang kabyaang balikat.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon