3rd Person's POV:
Agad na nagplano ang grupo ni Lian at Rave sa mansion ng dalaga.
Lahat ay naayon sa suhestyon ng bawat isa.
Nang matapos ay nagsipaghanda na ang grupo.
Kanya kanyang kuha ng sandatang gagamitin sa laboratoryo ng daddy ni Lian.
Sinuri nila kung nasa wastong kundisyon pa ba ang mga kagamitan at saka kinargahan ng bala.
Isa isa namang ipinamahagi ni Lian ang combat gears na nakatago.
Namahagi din siya ng earpiece para sa kumunikasyon ng bawat isa.
--------
Lian's POV:
Nilapitan ko si Rave at tinulungang ayusin ang kanyang gamit.
Tapos na ako dahil nasa ayos naman ang kagamitan ko.
"Hubby, wag nalang kaya kayong sumama." sambit ko sa kanya.
Delikado kasi ang pupuntahan namin at di sigurado kung gaano kadami ang naghihintay sa amin.
Ayokong mapahamak siya... Sila...
Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa sinabi ko.
"Napag-usapan na natin ito,Angel ko. Di kita hahayaang susulong doon.. Mas kampante akong kasama kita kesa maghintay nalang dito.." sagot niya.
Umiling ako...
"Pero Hubby, di naman kayo sanay sa patayan eh... Oo mga gangsters kayo pero iba ito..."
Di ko natapos ang sasabihin ko kasi inilapat niya ang dalawang daliri sa aking bibig.
Seryoso din siyang nakatitig sa akin.
"Sssshhhh... No more reasoning.." sambit niya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Hubby ko, gagawin ko ang lahat wag ka lang mapahamak...
Pumasok na si Lion sa laboratoryo kaya napabaling kaming lahat sa kanya.
"Nakahanda na ang yate.. Handa na ba kayo?" seryosong tanong niya.
Ngumisi naman sina Louie at Gian saka sinukbit ang kani-kanilang bag at baril.
"Tara na! Excited na ko sa bakbakan!" sigaw ni Gian.
Binatukan naman siya ni Nick.
"Di tayo susugod sa suntukan kundi sa geyera. Sigurado naba talaga kayo?." seryosong tanong ni Brad.
"Alam na namin iyon.. Para kay Lian tutulong kami.." sagot ni Nick.
Nginitian ko sila at kinuha ko na ang aking bag.
Magkahawak kamay kami ni Rave na lumabas ng mansion.
Iisang van lang ang sinakyan namin patungong port kung saan sasakay naman kami ng yate na maghahatid sa amin sa isla.
Wala kaming imikan habang nasa byahe.
Magkatabi kami ni Rave at nakasandal ako sa kanya.
Ito ang unang pagkakataong magkasama kami sa iisang misyon.
Kinakabahan ako sa kahihinatnan ng aming pagsugod pero mas nanaig sa akin ang pagnanais na makuha si Daddy.
"What are you thinking?" tanong ni Rave.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...