Chapter 24: Rescue (Part 2)

25.1K 520 18
                                    

Rave's POV:

Sinuyod namin lahat ang kabuoan ng bahay na nasa harap lamang ng isla pero wala kaming makitang bakas ng ama ni Lian.

Halos mag-uumaga na rin pero wala pa rin kaming nahanap.

Maging sina Gian ay di makita ang insaktong lokasyon ng transmitter.

"Kailangan tayong lumabas at libutin maging ang kakahuyan. Maliit lang ang islang ito. Kung andito nga ang pakay natin ay mahahanap natin ito." sabi ko sa mga kasamahan.

Agad namang sumang-ayon si Lion sa plano ko.

"Hubby, delikado sa kagubatan.. Mag-iingat kayo.." boses ni Lian mula sa earpiece.

Kinabahan ako dahil basi sa naririnig kong tunog ay nasa kakahuyan rin ito.

Fuck Lian!

Bakit ka kumikilos ng mag-isa?

Sabay sabay kaming lumabas ng bahay at naghati sa dalawang grupo bago pumasok sa kakahuyan..

"Angel ko, nasaan ka?" tanong ko kay Lian.

Walang sagot akong narinig..

Mas lalo tuloy akong napakunot noo.

Alam kong magaling at matalino si Lian pero gusto ko pa rin siyang protektahan kahit pa madalas na ako ang pinoproteksyonan niya.

------------

Lian's POV:

Bumaba ako mula sa tower nang mapansin kong walang nakita sina Rave kahit pa nasuyod na nila ang buong kabahayan.

Tinahak ko ang daan papasok sa kakahuyan.

Nag-iingat naman ako sa mga posibling nakahandang patibong.

Gaya nga ng inaasahan ko, may napatid akong isang lubid at mabuti nalang at maliksi akong nakayuko at patakbong nakapagtago sa likod ng isang puno.

Dahil sa pagkapatid ko sa lubid ay biglang nagliparan ang mga pana mula sa iba't ibang dereksyon patungo sa kinatatayuan ko.

Nagtago ako ng ilang minuto sa likod ng puno at ng maubos ang mga pana ay saka ako naglakad muli.

Mas naging alerto na ako sa paligid.

Kay raming bitag ang inihanda nila.

May nauliningan akong tunog ng mga yapak na papalapit kaya kaagad akong nagtago.

Mga mafia.

Sabi ko na nga ba at may inihanda silang patibong sa lugar na ito.

Inihanda ko ang baril saka mabilis ang kilos na lumabas ako mula sa pagkasandal sa puno at ipinutok ang baril sa kanila.

Nagulat sila kaya ang iba ay natamaan at namatay kaagad.

Nakapagtago naman ang iba at nagpalitan kami ng putukan.

Tumakbo ako palayo kaya hinabol nila ako.

Kung saan saan ako sumuot dahil pinauulanan nila ako ng bala.

Sh*t!

Nadulas ako at tuloy-tuloy na nagpagulong gulong sa gilid ng slope.

Kinapa ko ang dagger sa may hita ko at itinarak sa lupa upang di ako tuluyang mahulog sa bangin.

"Andito lang yun! Siguradong di pa nakalayo ang babaeng iyon!" nauliningan kong boses ng mga humahabol sa akin.

Pilit kong isiniksik sa bangin ang katawan ko upang di ako makita.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon