A/N: Akala nyo tapos na noh? Waaahhh! Ang dami pa kayabg mangyayari...
So ito na guys!
Enjoy!
-----------
Lian's POV:
"Umamin ka nga? Sino ba talaga si Brad sayo ha?"tanong ni Nina.
Napataas ang kilay ko.
Anu ba yan..
Kanina pa nila ako kinukulit tungkol kay Brad.
Pati si Kate ay mukhang may tampo pa sa akin.
"A friend.. Isa pang tanong Nina at tatamaan kana sa akin. " sabi ko at saka tinaliman siya ng tingin.
Nakanguso naman siyang yumuko.
Napailing nalang ako.
Inilibot ko ang tingin.
Nasaan na kaya siya?
Usapan namin pupunta siya rito sa mga oras na to bilang kabayaran sa ginawa niya.
Naku Trigger, kung di lang kita kaibigan ay malamang wala ka ng buhay ngayon.
Ang hirap pa namang suyuin ng Hubby ko.. -_-'
Napangiti ako ng makita si Brad na papalapit sa pwesto namin.
Agad nanlaki ang mata ni Kate ng makita ito at namula ang kanyang pisngi.
Grabe talaga ang tama ng babaing ito.
Di na mapakali sa kanyang kinauupuan.
"Maganda ka na Kate.." Mahinang bulong ko at kinindatan pa siya.
Mas lalo tuloy niya itong ikinapamula.
"Hi!" Bati ni Brad sa amin.
Napatakip naman ng bibig sina Nina, Monique at Jaya dahil sa di inasahang paglapit ni Brad.
"Hi!" Hakos sabay na bati nila.
Si Kate naman ay di makapagsalita at nakatingin lang kay Brad.
"Girls, si Brad... Brad si Monique, Nina, Jaya at... Kate. Mga kaibigan ko." Pagpapakilala ko sa kanila.
Halos mag-agawan pa ang tatlo sa pakikipagkamay kay Brad.
Napatawa tuloy ako.
"So Kate,may sasabihin daw si Brad.." Sabi ko.
Inutusan ko kasi siyang yayain si Kate sa Grand ball.
Napakamot naman si Brad sa batok pero pinandilatan ko lang siya.
"Ahm... Pwede ba kitang maging partner sa Grand ball?" Tanong ni Brad kay Kate.
Gulat na napatingin si Kate sa akin.
Kinindatan ko lang siya.
Namumula man ay pilit na ngumiti ni Kate saka tumango.
"Its my pleasure..." Sagot nito.
Nag-apir naman kaming apat.
"So its a date..." Nakangiting sabi ni Brad.
"Ayyeeee.. ." panunukso ng tatlo kay Kate na pulang pula na.
Nakipagkwentuhan muna sa amin si Brad sandali bago nagpaalam na papasok na sa klase.
Kinikilig naman silang pinag-usapan ang nangyari.
Ako...
Pangiti-ngiti lang at katext kong hubby ko.
Hala! Di ko pa pala nasabi sa kanya ang Grand Ball..
OMG!
------------
Someone's POV:
Pagpasok ko pa lang sa boardroom ay naririnig ko na ang samu't saring palitan ng opinyon ng mga board of trustees.
Napangiti ako.
Tama lang naman na magkagulo sila.
Dahil unti-unti na namang nawawala ang kani-kanilang kanang kamay sa emperyo.
"Anong gagawin natin?"
"Mukhqng inuubos niya ang kasapi ng mafia.."
"Oo nga! Delikado na tayo.."
"Isa lang naman ang gumagawa nito dati..." Sabi ko.
Lahat sila ay napatingin sa akin.
Bakas ang katanungan sa kanilang mukha.
"Si Sniper... Pero wala na siya diba?" Sabi ko.
Alam ko ang lahat, dahil tanging ako lang ang nakaligtas sa ginawa niya.
At nasaksihan ko ang pagkamatay niya mula sa manika ko..(*insert smirk*)
Nagkaingay muli ang loob.
Isang tunog ng tungkod ang muling nagpatahimik sa lahat.
Sabay pa kaming napatingin sa pumasok.
At napatiim bagang ako sa lalaking nakatayo sa harapan.
"Goodafternoon to all of you!" Masiglang bati niya.
"Im sorry to disappoint you pero mukhang mali ang sinabi mo kanina..." Nakangising sabi niya at deretsong nakatongin sa akin.
Lumakas na naman ang bulong bulungan pero lahat ay natahimik sa isang taas lang ng kanyang kamay.
Ang tibay mo talaga.... Phantom..
Bakit di ka pa napatay ni Sniper noon..
"Buhay si Sniper at muli na siyang kumikilos. Sa palagay ko ay okay lang naman.. Mukhang wala ka naman sa listahan niya, Apollo!" Deretsong sambit niya.
Napahigpit ang hawak ko sa ballpen hanggang sa mabali ito.
Papaano?
Nakita ko kung paano siya nahulog..
"Sa palagay ko ay kailangan na nating ilipat si Eagle.." Sabat ng isa sa mga board.
"Marahil nga ay tama ka.. " sang-ayon ni Phantom at muling iniwan ang boardroom.
Mabilis akong tumayo at umalis na din.
Paano ka pumalpak Lian?
Kung ganoon ay naging kampante lang ako ng ilang buwan at di nalaman ang pagkaligtas mo?
Kailangan kong mag-ingat.
Di dapat mapunta ang atensyon niya sa akin bago ko pa makuha ang Empire State ng mafia.
Mababaliwala lahat ng plano ko pag nagkataong malaman ni Lian ang totoo.
-----------
A/N: omygeee! Sino kaya ang someone na to?
Comments naman kayo dyan!
Namiss kong kachikahan...
Vote na rin..
Waaahhhh!!!!!
Kate/Monique/Nina and Jaya at the multimedia
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
AcciónBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...