A/N: kung may tanong po kayo sa flow ng story ko sana makatulong po ang chapter na ito.
Anyways, join naman kayo sa atinh ilymg group page sa facebook at makipagchikahan kina Rave at Lian sa kanilang fb account..
Nasa profile ko po yung link..
Sana ay dumami pa ang makakabonding ko sa mga ilymg fans...
Thank you guys!
++++++++
Lian's POV:
Napaatras ako sa gulat at pagkabigla sa mga salitang nanulas mula sa mismong bibig ng aking ama.
Kahit ang mga kasama naming naroon ay walang nakaimik.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Rave..
Alam mo ba, Hubby?
Sana tumanggi ka..
"Sumagot ka, San Diego.. Anong plano mo?" boses uli ni Dad ang bumasag sa katahimikan.
"Wala.. Wala akong binabalak na masama.." blangkong tumingin si Rave kay Daddy.
"May alam ka?!" gulat na sambit ko.
Akmang hahawakan niya ako pero mabilis akong nakaatras.
Napailing ako..
Lalapit pa sana siya sa akin pero nakita kong nagbunot na ng baril ang mga tauhan ni Dad at Phantom na nakapalibot sa amin.
"Angel ko, wala akong alam.. Maniwala ka naman sa akin.. Oo may sinabi si Skull bago siya namatay... Pero hindi totoo iyon dahil hindi naman si Phantom ang ama ko!" halos pasigaw na ang pagkasabi ni Rave.
Si Phantom?
"Kalokohan!" malakas na sabi ni Phantom at kaagad bumunot ng baril.
Nanlaki ang mata ko sa gulat.
Naguguluhan ako pero ayokong may masamang mangyari kay Rave..
Siya pa din ang lalaking minahal ko na pinag-alayan ko ng lahat sa akin.
Kaagad kong kinuha ang baril at itinutok kay Phantom..
"Lian!" gulat na sigaw ni mommy.
"Umalis kana Rave..." sambit ko at tumulo ang luha na kanina pa nagbadyang pumatak sa aking mata.
"Lian..." mahinang tawag niya sa akin.
Bakas ang lungkot sa kanyang mata sa sinabi ko.
Im sorry, Hubby...
Aalamin ko muna ang totoo bago kita haharapin.
Inilipat ko ang baril sa pagkatutok sa kanya.
"Go now!" utos ko.
Napayuko siya at tumalikod.
Pag-alis niya ay deretso akong pumasok sa silid at isinara ito.
Wala muna akong nais kausapin sa kanila.
+++++
Brad's POV:
Hindi ko malaman ang mararamdaman ko sa natuklasan namin.
Maging ako ay labis ang pagkagulat sa narinig.
Mabilis na pumasok si Lian sa kanyang silid at nagkulong na doon.
Alam kong naguguluhan at nasasaktan siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/15383205-288-k19525.jpg)
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...