Chapter 9: The Comeback

35.2K 664 95
                                    

A/N: Thank you sa support nyo guys! I hope di ko kayo nadisappoint.

Ayan! Ito na ang hinihintay niyong maaksyong bakbakan.

Hahaha! Charot lang..

Di ko na mahintay pa, so ito na.. Hayaan na aabot din tayo sa quota.

Masaya nako sa support niyo..

So ito na talaga!

Ang pagbabalik ni....

DARNA!

------///-----

Lian's POV:

"Lian tara na!" sigaw ni Nina mula sa labas ng locker area.

Kasalukuyan kaming nagliligpit ng gamit.

Alas otso na din kasi ng gabi at ngayon lang natapos ang ginawa naming project.

Medyo abala na kasi malapit na ang midterms.

"Ahm... Mauna ka na lang tatapusin ko muna to.." sabi ko.

"Sure ka? Gabi na at nag-iisa ka nalang yata rito.

"Okay lang ako, Nin.. Mauna na kayo ni Rob.." sabi ko.

Kasama kasi niya ang bf niya at sinundo kami dahil gabi na.

"Sige.. Ingat ka ha?" sabi ni Nina at nauna ng lumabas.

Tinapos ko muna ang pagsusulat bago ko isinilid sa locker ang libro.

------////-----

Aura's POV:

Napangisi kami ng makitang nauna ng umalis ang kaibigan ni Lian.

Tamang-tama langg sa plano namin.

"She's gone na.. Let's go Aura.." bulong ni Stacy.

Tinanguan ko siya at saka kami lumapit sa kinaroroonan ni Lian.

"Oh there you are! Why are you here alone?" tanong agad ni Stacy ng makalapit kami.

Mukhang nagulat pa si Lian ng makita kami.

Napakunot noo pa siya.

"Hindi ako nag-iisa... Andito pa kayo.." kalmadong sagot niya.

Astig ka talaga Phoenix.

Tingnan lang natin kung may magagawa kapa sa plano namin.

Kinindatan ko si Stacy.

Nakuha naman nito agad ang senyas ko at mabilis na itinarak ang karayom sa braso ni Lian.

"Aray!" hiyaw ni Lian ng maramdaman ang tusok ng karayom na mabilis na nahugot ni Stacy.

"Anong ginawa niyo?" tanong niya.

Ngumisi lang ako.

"Wala.." sagot ko at tumalikod na.

Ilang saglit pa ay sinalo na ni Stacy ang bumagsak na katawan ni Lian.

Pinasan nito si Lian papunta sa kotse kung saan naghihintay si Aiya.

Sumakay na din ako sa kotse.

"Lets go!" sabi ko.

Agad namang pinaandar ni Aiya ang kotse.

"Ang dali namang kidnapin ang isang ito! Are you sure that she's really Phoenix ha Aiya? Ba't mukhang lampa?" sabi ni Stacy habang naglalaro sa kanyang celfon.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon