Chapter 8: Dream

30.6K 708 33
                                    

Rave's POV:

"Woooohhhhh! Ang saya!" sigaw ni Lian habang inilusot ang kalahating katawan sa bintana ng kotse.

Nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nakadipa sa hangin.

Napangiti akong pinagmasdan siya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya.

Carefree at tila ba walang iniisip na problema.

Kung sabagay...

Nakalimutan niya naman ang lahat..

"Pasok ka na Angel ko at baka sipunin ka. Masyado ng malamig at basa ka pa.." sabi ko.

Umayos na siya ng upo at nakangiting bumaling sa akin.

"Ang sarap talaga magpaulan noh hubby ko.." natatawang sabi niya at sumandal pa sa akin.

Hubby ko..

Ang sarap pakinggan..

Tila ba naaalala talaga niya ako.

"Aachhuuu!" biglang bahing niya.

Sabi ko na eh..

Agad kong sinalat ang kanyang noo.

Medyo mainit na nga siya..

"Ihahatid na kita sa inyo.. Saan ba ang bahay niyo?" tanong ko sa kanya.

Di ko kasi matract kung saan siya nakatira.

Tila masyadong sekreto ang bago niyang buhay.

Nang wala akong marinig na anumang sagot mula kay Lian ay napakunot noo akong sinilip ang mukha niya.

Napangiti ako ng makitang nakatulog na pala siya habang nakahalukipkip na nakasandal sa akin.

Angel ko..

Napagpasyahan ko nalang na sa condo ko nalang siya dadalhin.

Di naman siguro niya iisiping pinagsamantalahan ko siya noh..

Tsaka nakatulog naman kami dati na magkatabi.. (ref chp. 20)

Binilisan ko ang pagmamaneho upang mabihisan na kaagad si Lian.

Baka mas lumala ang sinat niya kapag mas nakababad pa siya sa basa niyang damit.

Pagkarating ko sa condo ay agad kong binuhat si Lian sa unit ko.

Nagrequest ako ng isang receptionist upang magbihis sa kanya.

Panatag naman siyang natutulog sa kama ko.

Naligo na ako at nagbihis na din.

Saktong matapos ako ng tumunog ang celfon ko.

Agad ko itong kinuha at binasa ang text.

*from Mama,

Pauwi na kami ng papa mo anak.. Baka andyan na kami sa makalawa.*

Darating na pala sila.

Ano na naman kaya ang problema at napasugod sila ng uwi?

Nakaramdam na ako ng antok kaya humiga na ako sa tabi ni Lian.

Napangiti ako at hinapit siya papalapit sa akin.

Sana ganito nalang kami palagi..

------///------

Aura's POV:

"Alam ko na kung sino si Lian!" pasigaw na sabi ni Aiya habang papasok pa lamang ng bahay namin.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon