Chapter 21: Father!?

30.8K 575 29
                                    

Lian's POV:

Mabilis ang mga hakbang na nilakad ko papasok ng mansion.

Di ako dapat mapansin ng sinuman na nagbalik at baka malaman ito ni Phantom.

Tulog pa kaya sila?

Kung sabagay ay alas kwatro pa lamang ng umaga.

Kinapa ko ang susi sa ilalim ng vase.

Dito kasi namin nakasanayang ilagay kapag may lakad kami.

Napangiti ako ng makuha ang pakay.

Di pa rin nagababago si Lion.

Mabilis ko itong isinuksok sa lock at saka pinihit ang doorknob.

Sinadya kong lumikha ng ingay upang magising ang sinumang nasa loob.

Nagtago ako sa gilid ng hagdan.

At gaya ng inaasahan ko ay nagmamadali ngang bumaba si Lion bitbit ang 45 kaliber pistol.

Napangiti akong pumwesto sa likod niya at iniumang ang baril sa kanyang ulo.

Ikinasa ko pa ito para mapansin niya.

"Goodmorning Lion! Sa palagay mo mapapatay mo ko sa baril na yan?" Nakangisi kong tanong.

Napahalakhak naman siya pagkarinig ng boses ko.

"Lian!" Gulat na siga mula sa itaas ng hagdan.

Sabay pa kaming napalingon ni Lion.

Nanlalaki ang mata ni Mommy at mabilis na bumaba ng hagdan.

"Anong ginagawa mo? Balak mo bang patayin ang kambal mo?" Tanong ni mama at itinulak ang baril ko pababa.

"Mommy!" Sabi ko at mabilis na yumakap sa kanya.

Namimiss ko na sila kaya ako narito.

At may iba din akong pakay.

"Its just a joke ma.. Biruan lang namin yan ni Lian." Sabi naman ni Lion.

"Biruan!? Barilan biro lang? Diyosmiyo!" Eksahuradang sabi ni mama.

Sabay kaming napahalakhak ni Lion.

"Ahem! Ang agang kasiyahan ah!"

Napatingin naman ako sa taas.

Nakasandal lang si Brad sa hamba ng hagdan at nakasalikop pa ang dalawang kamay sa kanyang dibdib.

Napakagwapo nito kahit mukhang kagigising lang.

Marahil kung di ko nakilala at minahal si Rave ay papatulan ko ang lalaking ito.

Nginitian ko lang siya.

"Tara sa kusina at ipaghahanda ko kayo ng agahan." Aya ni mommy sa amin.

Inakbayan pa ako ni Lion pero siniko ko siya.

"Nimiss kita Sniper..." Sabi niya.

"May bago ba akong misyon?" Nakangisi kong tanong.

Nakangiti namang umiling si Lion.

"Wala na ang kings. Pinatay sila ni Brad at ng BPG.." Sagot niya.

"BPG? Si Rave?" Ako.

"Noong araw na mawala ka ay sumugod kami sa mafia na inasassinate mo. Dumating din doon ang mga kings at naglaban kami. Yun ang araw na napatay ni Rave at tatlong kings.." Paliwanag ni Brad.

Kung ganoon, pinuntahan nila ako..

Kaya pala biglang nabuawag ang mafia.

"Pero may isa pang mas malaking organisasyon na kinabibilangan ng mafia na tinatarget mo ngayon..." Sabat ni Mama habang nagluluto.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon