Chapter 36: Fight for Love

24K 524 46
                                    

Lian's POV:

Nagulat ako ng biglang sipain ni Apollo ang kamay kong nakahawak sa baril.

Napaatras tuloy ako sa pagkatayo.

Sumusugod na si Apollo kaya mabilis kong ipinagkrus ang kamay ko upang sanggain amg kanyang sipa.

Bahagya akong tumalon paatras at saka bumwelo upang makaganti ng suntok.

Magaling talaga si Ninong.

Nababasa niya ang galaw ko tulad ng pagkabasa ko sa bawat galaw niya.

Kung sabagay, siya ang unang nagturo sa akin ng paraan ng pakikipaglaban.

Umiwas ako sa suntok niya at sumuong sa ilalim saka siya binigyan ng sidekick.

Sa bilis ng galaw ko ay di niya agad inasahan ang ataki na iyon.

Napasadsad siya sa mesa.

Mabilis kong tinakbo ang baril kong nahulog.

Subalit dahil nasa malapit ito kay Apollo ay kaagad nitong nasipa palayo ang baril.

"Magaling ka na talaga, Lian... Nasasabayan mo na ako..." nakangisi niyang sabi at saka sinugod muli ako.

Kaagad akong umiwas at pumakabila sa mesa.

Subalit maliksi naman siyang nakalipat.

Sinipa niya ako sa sikmura at natamaan naman siya ng suntok ko sa panga.

Sabay kaming napaatras.

"Hindi kita lalabanan Apollo.. Gusto ko lang malaman kung bakit mo ito ginagawa!" sigaw ko.

Ngumisi naman siya.

"Dahil malaking sagabal kayo sa akin.. Marami na kayong alam sa Empire.. Lalo na ang ama mo!" sagot niya.

Muli siyang sumugod.

Panay lang ang iwas ko.

Kailangan kong malaman ang totoo.

"Wala kaming pakialam sa Emperyo mo!" mariing sagot ko.

Itinulak ko ang mesa sa kanya na agad naman niyang pinigilan.

Sinipa niya ito pabalik.

Muntik pa akong tamaan kung di ako nakaiwas.

Sa bigat at laki ng mesa ay nakaya niya itong sipain lang.

+++++++

Brad's POV:

Fuck! Ba't nawala na naman si Lian sa linya?

"Lion nasaan si Lian?" sambit ko sa earpiece.

"Nasa loob. Kaharap niya si Apollo. Di ako makapasok.. Pinalabas ni Lian ang mga board kaya tiyak na babalik sila kasama ng mga tauhan." sagot ni Lion.

WTF!

Kaagad kong hinanap sa database ang kinaroroonan ni Lian.

Nasa boardroom pa din sila.

Ginamit ko ang heat detector upang makita ang kinaroroonan nila.

Bumungad sa screen ang dalawang pulang pigura na kasalukuyang naglalaban.

Kaagad kong isinara ang paligid ng buong lugar.

Walang dapat makalapit sa kanila.

Eto lang, Lian ang magagawa ko..

Mahigpit kong naikuyom ang mga palad.

++++++

Rave's POV:

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon