Lian's POV:
Mula ng maalala ko ang lahat ay unti-unti kong binuong muli ang aking pagkatao.
Kahit pa sa malayo ay pinagmamasdan ko ang aking ina.
Mama..
Kay tagal kong pinangarap na makasama ka..
Pero di pa sapat ang panahon upang tayo'y muling magkita.
Lilinisin ko muna ang lahat bago ako babalik sa iyo..
Pilit kong pinaglabanan ang aking luha habang nagmamasid sa aking inang kasalukuyang nagdidilig ng halaman sa mansion.
Gaya pa rin siya ng dati.
Kahit ilang taon ko siyang di nakita ay tila walang nagbago sa kanyang itsura maliban sa pagkaedad.
Napangiti ako.
Pinaandar ko na ang kotse nang makitang lumabas si Lion at lumapit sa kanya.
Malakas pa naman ang radar ng lalaking ito.
Paalam sa inyo.
Magsasama rin tayo balang araw..
-----///-----
Lion's POV:
Kanina ko pa iniisip ang huling nakuta namin ni Brad.
Nagbalik na kaya siya?
Pero bakit di pa siya nagpapakita sa amin?
Impossible talaga..
Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya si mama.
Pero yung nakita namin ni Brad sa arena.
Ang bangis at ang kilos niya..
Siya yun!
Tanging si Sniper lang ang may kakayahang gawin yun..
Bitbit ang kopita ng alak ay lumabas ako ng veranda.
Nasa garden si mama at dinidiligan na naman ang kanyang halamanan.
Kung andito lang si Lian, tiyak na pagagalitan yun ni mama.
Gawain kasi niyang mag-ensayo sa harden at putulin ng espada ang puno.
Napangiti ako sa naisip.
Kahit kambal kami ay malaki ang kaibahan namin ni Lian.
Masayahin siya pero sobrang bangis kung magalit.
Napasulyap ako sa kotseng itim na nakaparada sa tapat ng mansion.
Napakunot-noo ako.
Ilang araw ko na ring nakikita ang kotseng iyan..
Baka may nagmamanman na naman sa amin.
Pero impossible!
Wala na ang kings..
Mga tauhan ni Phantom?
Mabilis akong bumaba at lumapit kay mama.
Sakto namang paglapit ko ay umalis na ang kotse.
"Mama..." taway ko sa kanya.
Nakangiti namang lumingon ito sa akin.
"Ang aga niyan Lion.. Alak agad eh wala pang laman ang sikmura mo.." sermon niya sa akin at kinuha ang kopita saka itinapon ang laman.
Napailing nalang ako.
"Tara kumain na tayo.." aya ko sa kanya.
Sabay na kaming pumasok.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
AcciónBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...