Chapter 47: Shocks!?

22K 518 19
                                    

3rd Person's POV:

Wala pa ding malay ang dalawa nang dalhin nina Rio at Drei sa villa na pag-aari ni Uno.

Nasa isang isolated island ito at tanging nag-iisang bahay na andun.

Maraming bantay sa buong isla at puro armado ng matataas na kalibre ng baril.

Agad na ipinasok nila ang magkasintahan sa isang silid at ikinadena ng magkaharap.

Inilock pa nila ang silid mula sa labas at binantayan ng limang malalaking lalaki.

"Siguruhin niyong hindi makakatakas ang dalawang iyan kundi mananagot kayo kay Uno." utos ni Drei sa lima.

Nagsitango naman ang mga ito at saka pumwesto sa labas ng silid.

"So saan tayo ngayon?" tanong niya kay Rio.

Matalik na magkaibigan si Rio at Drei subalit naging magkaaway dahil sa kanilang pagmamahal kay Therese.

"Bahala ka sa buhay mo!" sambit ni Rio at tinalikuran si Drei.

Napangisi naman ang binata at mabilis na umagapay sa paglalakad ni Rio.

"Common dude.. Kalimutan na natin yun.. Si Uno ay kailanman di mapapasaatin.." nakaakbay pa si Drei kay Rio.

"Tss..." piksi ni Rio at tuloy tuloy nang lumabas.

Alam niya na wala silang pag-asa kay Therese lalo pa at mahal pa din nito ang Lion na iyon.

But he choose to love her and serve her til his last breath.

At ganun din ang ipinangako ni Drei bagamat tanggap na niya at nagmahal na din siya ng iba.

++++

Someone's POV:

"Kailan mo siya isusuko sa amin?" tanong ko sa lalaking kaharap ko.

Matiim lang itong nakatitig sa akin.

Wala akong mababakas na anumang emosyon sa kanyang mukha.

"Kapag sapat na ang ebedinsyang magpapatunay na siya ang may gawa ng lahat." sagot nito.

Naihampas ko ang kamay sa mesa.

"Damn! Ano pang kailangan mo? Alam nating lahat na kilala mo si Sniper!" sigaw ko.

Di man lang siya natinag.

"Isa kang NBI Gian! Wag mong sabihing pumapanig kana sa kanila?" tanong ko sa kanya.

"Wala akong pinapanigan.. Kumilos kayo at ibibigay ko siya sa inyo.." sagot nito at tumalilod na..

Shit! Kahit kelan ay di ko maintindihan ang paninindigan mo Gian Ford.

Mas gustuhin mo pa yatang makulong kasama ang Sniper na iyon kesa sa makipagtulungan sa amin.

Napasabunot ako sa aking buhok.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung mahal mo ba talaga ako Gian..

Bakit napakatindi ng ginawa mong pagpoprotekta kay Sniper..

Anong meron sa inyo ng assassin na iyon?

++++

Kate's POV:

Uhhhhmmmm....

Itinaas ko ang kamay ko at nag-inat.

Ang sarap ng tulog ko.

Pero teka... Paano ako napunta dito?

Ah.. Oo nga pala inihatid ako ni Gian kagabi.

But wait, panaginip ko lang ba na andito si Lion?

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon