Chapter 16: Got You!!

28K 631 29
                                    

Lian's POV:

Naikuyom ko ang palad ng mahigpit nang makita ang lalaki sa terace...

Di ko siya maaring makalimutan.

Ako ang dahilan ng pagkabaldado ng isa niyang paa.. (Ref. Chap 5)

Napaismirk ako at inayos ang suot na mask.

Akala ko ba ay magaling silang maglagay ng alarm sa kanilang lugar?

Napakasisiw naman yata nitong pasukin.

Pasimple kong hinack ang kanilang cctv at saka mabilis na pinutol ang linya.

Isinet ko ito sa view kanina.

Nang matapos ay lumabas na ako ng kotse at tinakbo ang pader ng gate.

Sumampa ako sa taas ng pader at saka dumapa doon.

Buti nalang at may kalaparan din ang itaas ng pader.

Nagset ako sa aking sniper gun at saka sinimulang tirahin ang bantay sa paligid.

Ang sisiw naman.

Naubos ko agad ang bantay ng wala man lang nakahalata.

Iniligpit ko ang baril at sinukbit ito saka tumalon pakabila.

Tuluyan na akong nakapasok sa bakuran ng ikaapat kong target.

Rufo Villanueva.

Lumibot ako sa kabila at pinihit ang knob sa likod.

Nakalock ito.

Sinilip ko ang loob..

Walang tao.

Tinangga ko ang hairpen sa aking buhok at itinusok sa knob.

Ilang pihit lang at narinig ko na ang mahinang click.

Napangiti ako..

Binuksan ko na at mabilis akong pumasok.

Akmang lalabas na ako sa isa pang pinto ng marinig ang yabag papalapit.

Kaagad kong tinungo ang gilid ng ref at mabilis na nagtago.

Pigil ko ang hininga ng tumigil sa pwesto ko ang tauhan ni Rufo.

Kumuha ito ng kung ano sa loob ng ref.

Ginamit ko ang pagkakataon upang makakilos.

Pumwesto ako sa kanyang likuran at saka ko ito pinalo ng baril sa ulo.

Bagsak at walang malay.

Mabilis kong hinila pagilid.

Agad kong tinungo ang pinto at patakbong inakyat ang hagdan.

Wala man lang bantay sa loob.

Kabisado ko na ang loob ng mansion.

Ilang araw ko rin itong pinag-aralan kaya alam ko na ang kinaroroonan ng silid ni Rufo.

Mabilis at walang ingay akong pumasok sa kanyang silid.

Mahimbing pala itong natutulog.

Kanina lang ay nakatayo pa ito sa veranda.

Lumikha ako ng ingay kaya agad itong nagising at bumangon.

"Hello Rufo! Maligayang pagbabalik!" Nakangising saad ko.

Napakunot noo naman siya at pilit inaninaw ang kinatatayuan ko.

Nasa tabi ko kasi ang switch ng ilaw na di ko binuksan.

"Sino ka? Paano ka nakapasok rito!?" Gulat na tanong niya.

Palihim niyang inabot abg baril na alam kong nakalagay sa bedside table.

"Ito bang hinahanap mo?" Sabi ko at iwinagayway ang baril na nakasabit sa aking daliri.

Kinuha ko ito kanina pagkapasok ko.

Nanlaki ang mata niya.

Napangisi akong lalo.

Initsa ko sa kanya ang baril na mabilis naman niyang dinampot at ikinasa.

Itinutok niya ito sa akin.

Tumalikod ako kaya alam kung nakita niya ang tattoo ko sa balikat.

Kalmado naman akong naupo sa sofa at nagdekwatro.

"S-Sniper...?" Nauutal niyang sambit.

"The one and only." Sabi ko.

Kinakabit niya ang gatilyo ng baril.

Click!

Click!

Click!

"Hahaha! Nakalimutan ko palang sabihin. Walang bala yan. Andito." Natatawang saad ko at inihulog isa-isa ang bala sa sahig.

Namutla naman siya ng itutok ko ang baril sa kanya.

"Mas magaling na ako ngayong bumaril kesa noong tamaan kita sa binti mo.!"

Nakita ko ang pamumutla niya.

"I-ikaw si Lian Vena?" Tanong niya.

Tinanggal ko ang maskara ko.

Mas nag-eenjoy akong pagmasdan ang target na namumutla pag nakilala ako.

"Yes! And im now sending you to hell.. Makipagclose kana lang kay Satanas!"

Kinalabit ko na ang gatilyo ng aking baril.

Deretso itong tumama sa gitnang bahagi ng noo ni Rufo.

Bulagta ito sa kama at nakadilat pa ang mata.

"Magkumustahan narin kayo ng mga kasamahan mobsa mafia." Bulong ko at lumabas na ng silid.

Sa bintana ako dumaan upang di makasagupa ang iba pang tauhan ni Rufo.

Wala ako sa mood na mag-assassinate ng buong mafia.

Sumampa ako sa pader at tumalon sa kabilang bakod palabas ng lugar ni Rufo.

Pasimple kong nilakad ang daan pabalik sa aking kotse.

Subalit natigil ako ng makita abg dalawang lalaking naksandal sa aking kotse.

Pareho pa itong naninigarilyo.

"Got you!" Masayang saad ni Lion.

"Sabi ko na nga ba at nakaalala ka na!" Saad naman ni Brad.

Napasmirk ako at itinaas ang dalawang kamay.

Tinaasan ko sila ng kilay habang papalapit ako.

Malakas talaga ang radar ng dalawang ito.

"So now you got me.. Just keep it secret.." Sabi ko at binuksan ang pintuan ng aking kotse.

Nagwink muna ako bago sumakay.

Nagtawanan naman ang dalawa at naghi five pa.

"Oh yeah! Just a secret!" Sabay na sabi nila.

Pinaharurot ko na ang kotse paalis ng lugar na iyon.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon