Chapter 17: Confused

28K 589 44
                                    

Eto na insan.. hahaha! wa jud ko katuo na nakit-an nimu ako story..

kung sabagay adik ka nga pala sa novel..

--------///-------

Lian's POV:

"Young Lady bangon na..."

Marahang yugyog ang nagpagising sa akin.

Aisshhh!

"Darius 5mins" sabi ko.

Subalit dahil gising na ako ay di na ako makabalik pa sa pagtulog.

Bumangon nalang ako at nag-inat.

Ilang araw na din akong puyat sa palihim na pagpaplano at kagabi ko nga isinagawa ang pagpatay kay Rufo.

Buti nalang at kararating lang ni Darius mula sa Japan.

"Alas 7 na po, Young lady.." Boses uli ni Darius.

"Okay... Okay... Gising na. " sabi ko at saka tinungo ang banyo.

Ginawa ko na ang aking morning routine.

Paglabas ko ay wala na si Darius.

Pumasok ako sa dressing room ko at namili ng susuotin.

Pagkuha ko sa bag ay nahulog ang isang bagay.

Napangiti akong dinampot ito..

Kahit kailan talaga Hubby palpak ka!..

Natatawa pa din ako hanggang ngayon kapag naalala ang nangyari noong gabing iyon..

***** Flashback ****

"My God, Raven!" Nasambit ko matapos makita ang underwear na binili niya.

Paano ko ididikit ang sanitary pad dito eh lace ito!?

Nasapo ko ang noo.

"Hubby...!" Malakas na tawag ko sa kanya.

Tila naman may emergency na agad nabuksan ang pintuan ng banyo.

Buti nalang at nakasuot na ako ng bathrob.

At buti rin di nasira ang pintuan.

"Angel ko... Okay ka lang? Ano may masakit pa ba? May mali ba sa binili ko?" Natarantang tanong niya at kaagad na pumasok sa banyo.

Napaatras tuloy ako.

Wala pa naman akong suot kahit ano sa ilalim ng rob.

"Ahm.. Kasi..." Di ko masabi..(-_-)

"Ano?" Takang tanong niya.

Bubuhatin sana niya ako pero agad kong pinigilan.

"Yungbinilimokasidipwedingsuotin!" Mabilis kong sabi.

Napakunot noo naman siya.

Akala ko ay di niya naintindihan pero maya maya ay napakamot siya sa batok.

"Sorry, Angel ko. Teka bibili nalang uli ako ng iba." Sabi niya.

"Wag nalang.. Pahiram nalang ng blower." Sabi ko.

Agad naman siyang tumango at lumabas ng banyo.

Pagbalik niya ay bitbit na niya ang blower na hiningi ko.

"Ako nalang, Angel ko. " bulontaryo niya.

Umiling naman ako agad.

Ayoko nga..

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon