Darius POV:
Kanina ko pa hinahanap kung nasaan na ang babaing sinudundan ko.
Malakas talaga ang kutob ko na si Aryana yun.
Hindi ako maaaring magkamali.
Mula sa parking lot ay agad kong tinungo ang coliseum.
Kung saan saan ako naghahanap.
Nakasalubong ko pa si Monique sa hallway.
"Oh, oppa! Saan ang punta mo? Hinahanap mo ba si Lian?" tanong niya sa akin.
Umiling ako.
"Si yana Nicnic, nakita ko siya dito.. Sinundan ko siya pero bigla silang nawala.." naiiling kong sabi.
Alam naman ni Monique ang tungkol kay Yana.
She's my foster sister....
Adopted kasi ako ng papa niya.
"What? Oppa hindi ka naman lasing diba?" nakakunot noong tanong nito.
Tsss...
Iniwan ko na nga lang..
Ang kulit din nito minsan eh.
Nilibot ko ang possibleng puntahan niya pero wala akong nakitang Aryana.
Nanlulumo akong napabalik sa kotse.
Marahil ay guni-guni ko lang iyon.
Naihilamos ko angbmgga palad ko sa mukha.
Bakit ba hanggang ngayon ay umaasa pa din akong buhay ka gayong kitang-kita ko naman ang pagkamatay mo..
Shit!
Naihampas ko ang kamao ko sa manibela.
"Uuwi na po ba tayo, Miss Yana?" boses ng isang lalaki ang nagsalita sa may likuran ko.
Bigla akong napalingon sa kanila pagkarinig ko sa binanggit niyang pangalan.
Halos mapalundag ako palabas ng kotse nang makita ko ang hinahanap.
Pasakay na siya kaya napatakbo ako sa direksyon niya at agad pinigilan ang kanyang braso.
"Aryana... Buhay ka, mahal ko..." sambit ko.
Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan nya.
Di ko inasahang magkikita kami ngayon.
Kahit di siya lumingon ay alam kong siya ito.
Dahan dahan siyang humarap.
Napatiim ako nang tuluyang masilayang muli ang kagandahang matagal ko ng inaasam na makitang muli.
"Darius..." mahinang sambit niya.
Di ko na napigilan ang sarili at niyakap ko siya ng mahigpit.
Di man lang siya gumanti ng yakap sa akin.
Nanatili siyang nakatayo at di man lang kumibo.
Dahan dahan akong humiwalay sa kanya pero di ko pa din siya mabitawan.
"Anong nangyari sayo, Mahal ko?" tanong ko.
Nakatitig lang siya sa akin.
Ang laki ng ipinagbago niya.
Tila mas naging mabangis ang kanyang aura.
"I'm sorry Darius... I have to go. Nice to see you again.. " sambit niya at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya.
Napaawang ang labi ko sa labis na pagkabigla.
Yana... Mahal ko...
++++++++
![](https://img.wattpad.com/cover/15383205-288-k19525.jpg)
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...