Rave's POV:
Mabilis naming dinala si Lian sa ospital.
Wala namang nagtangka pang humarang sa aming daan.
Marahil ay nagulat pa din sila sa mga nasaksihan sa gabing ito.
Fuck!
Angel ko, gumising ka dyan!
Wala ka mang naalala ay okay lang, ang importante kasama kita..
Please.. Wag ka ng mawala muli sa akin.
"Bilisan mo Gian!" utos ko kay Gian.
Siya kasi ang nagmamaneho sa sasakyan dahil kandong ko si Lian sa likuran.
Ba't ang tagal naman yatang tumalab ng antidote?
"Sigurado ka bang yun ang antidote?" tanong ko kay Nick na nasa tabi ni Gian.
Nauna na sa amin si Louie sa ospital.
"Yun lang ang laman ng bulsa ni Aiya.." sagot ni Nick.
Nakakunot din ang noo niya.
Bakas ang pag-aalala sa itsura niya.
Hinaplos ko ang pisngi ni Lian.
Medyo may kulay pa ito pero di pa din siya nagigising.
Angel ko..
Halos paliparin na ni Gian ang kotse sa bilis ng takbo namin.
Pagdating naman sa ospital ay nakaabang na sa amin ang medical team.
Agad nilang kinuha si Lian at ipinasok sa emergency room.
Dumaan sa harapan ko ang doktor na may kausap pa sa telepono.
Hinablot ko siya at hinawakan sa kwelyo.
Agad naman akong pinigilan nina Louie.
"Gawin mo ang lahat dahil pag nawala sa akin ang Angel ko ay babalikan kita at ang pamilya mo!" banta ko sa doktor.
Nahintakutan namang mabilis na tumango ang doktor at pumasok agad sa ER matapos kong bitiwan.
Naihilamos ko ang kamay sa aking mukha.
Katulad na katulad ito noon...
Kay Alyana..
Kaya nagkaphobia na ako sa ospital.
Pero ngayon ay nakalimutan ko ang phobia sa sobrang pag-alala kay Lian.
Nasuntok ko ang pader sa tindi ng frustrations ko.
Pinangako kong poprotektahan si Lian pero wala akong nagawa..
Ang laki kong gago!
"Tol, maupo ka nga! Nahihilo na kami sayo eh!" sabi ni Louie.
Binigyan ko lang siya ng matalim na sulyap..
Maya maya pa ay lumabas na ang doktor.
Nag-unahan pa kami sa paglapit.
"Kumusta na po siya?" halos sabay-sabay naming tanong.
Di pa nakasagot ang doktor ay bigla ng bumukas ang pintuan.
"Ang ingay naman...!"
--------///---------
Lian's POV:
Aish ang ingay naman!
Ibinukas ko ang aking mata at nagulat pa ako ng makitang nakapalibot sa akin ang mga taong nakaputi.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...