Lian's POV:
"P-Papa ko..." halos mautal ako ng sambitin ang katagang iyon.
Kahit anong isip ko ay di ko matandaang may kapatid si papa.
Subalit nasa harap ko ang pruweba.
At di lang basta kapatid.
Kakambal pa niya ito.
"Come here, my Lady.. Papa miss you so much.." masayang sabi ni Phantom sa akin.
Atubili akong naglakad papalapit.
Niyakap naman niya ako.
Ano tong nararamdaman ko?
Tila magaan sa loob ko ang pagyakap sa kanya.
Maya maya ay bumita na ako..
"Nice to see you again Phantom.." sabi ko.
Ngumiti naman siya.
"Dapat mo na sigurong araling tawagin akong papa Lian." sabi niya.
Sasagot pa sana ako subalit tumunog ang kanyang celfon.
Suminyas siyang sasagutin muna ito.
Tumango naman ako at nagpaalam na.
Lumabas na ako ng library at tinungo ang aking silid.
Naguguluhan pa rin ako sa nakita.
Kung siya at si papa ay iisa, bakit niya ako gustong ipapatay?
Kung uncle ko naman siya, wala naman kaming ibang yaman maliban sa mansion.
Kailangan kong malaman ang totoong motibo niya.
Napansin ko din kanina ang marka ng bungo sa kanyang kamay kaya tiyak akong siya nga ang nag-utos upang patayin ako.
Isang mahinang katok ang narinig ko at bumukas ang pintuan ng aking silid.
Pumasok si Darius dala ang isang bag.
Napakunot noo ako..
"Ano yan?" turo ko sa bag.
Inilapag niya ito sa kama at saka binuksan.
"Mga pinamili namin ni Phantom sa Singapore at Japan. Para sayo lahat ng iyan." nakangiting sagot ni Darius.
Napabangon ako mula sa pagkahiga at agad tiningnan ang laman.
Woah!
Ang daming damit, sapatos at kung ano-ano pang abubot..
"Siyanga pala, nasa ibaba ang mga kaibigan mo at may usapan daw kayo ngayon." sabi ni Darius.
Nanlaki ang mata ko at natampal ko ang aking noo.
Oo nga pala, magbabar pala kami.
Sa subrang kaba ko kanina ay nakalimutan kong usapan namin ni Nina.
"Oo nga pala! Paano ba iyan? Andito si Phantom.. Malamang di ako papayagan noon.." sabi ko.
"Bakit? Saan ba angv punta niyo? Kausap nila si Phantom ngayon.." sagot ni Darius..
What?!
Kinausap sila ni Phantom?
"Magbabar.." ako.
Tumango-tango si Darius at isinara ang bag..
Sabay kaming napalingon ng biglang bumukas ang pintuan ng aking silid.
"Lian! OMG! Oooppss!" biglang sabi ni Nina.
"Ah Nin, halika pasok ka.." sabi ko.
Namula naman si Nina pagkatingin kay Darius..
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...