A/N: thank you sa lahat ng nagvote at nagcomment sa previous chapter.
Hahaha! EMO lang ako..
So eto na guys!
Let's begin!
--------------
Apollo's POV:
"Kumusta ang pinagagawa ko sa iyo?" tanong ko kaagad nang makapasok sa loob ng laboratoryo.
Ngumisi naman ang lalaking nakaupo sa harap ng computer at saka umikot paharap sa akin.
Ipinakita niya ang isang maliit na bagay na hawak hawak niya.
"Tapos ko na Apollo, pwede na nating subukan.." nakangising sagot niya.
Napangisi din ako at kinuha sa kanya ang maliit na bagay na iyon.
Sinuri ko itong mabuti.
"Mapapasaakin na din sa wakas ang emperyo... Hahahaha!!!!" napahalakhak ako ng malakas at sinabayan naman ako ng kaharap ko.
------***-------
Lian's POV:
Aaarrrrggghhh!!
Napaigik ako sa biglang pagragasa ng sakit sa aking katawan.
Idinilat ko ang aking mata.
Malabo pa ang paningin ko kaya kumurap kurap ako.
Inilibot ko ang tingin sa paligid.
Nasaan ako?
Anong lugar ito?
Wala akong makitang kahit ano sa loob ng silid na kinaroroonan ko.
Tanging maliit na liwanag lang ang lumusot mula sa maliit ding bintanang nasa itaas na bahagi ng kinahihigaan ko.
Kumilos na ako upang maupo ng maramdamang may mabigat na nakalagay sa mga kamay at paa ko.
Huh? Nakakadena ako?
Kung ganoon nahuli ako ng mga kalaban...
Shit! Si daddy!
Sana nakaligtas siya at di nila nakuha muli..
Sinubukan kong humakbang palapit sa pinto pero nahila lang ako pabalik ng kadena.
Talagang sinigurado nilang di ako makakatakas..
Naupo nalang ako muli at naghintay.
Di naman gaanong nagtagal ay may mga yabag akong narinig at maya maya ay nabuksan ang pintuang yari din sa bakal.
"Oh! Gising na pala ang pinakamamahal kong Sniper!" nakangising saad nito at may pinindot sa gilid ng pinto.
Biglang lumiwanag ang buong silid.
Nasilayan ko ang itsura ng lakaki.
Malaki ang katawan nito at may bigote.
Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang tattoo niya sa kanang kamay.
Napasinghap ako ng makita ito.
Bungo! Kung ganoon ay bihag ako ni Apollo..
"Mukhang nakilala mo na kung sino kami Sniper.. Tama ka ng naisip. Kami ang nagpapatay sayo... At kami rin ang kumidnap sa daddy mo." sabi niya at nagpalakad lakad pa sa harapan ko.
Nangalit ang bagang ko at mabilis na tumayo pasugod sa kanya.
Pero di man lang ako umabot dahil sa kadena.
"Walang hiya kayo! Pag ako nakawala rito, papatayin ko kayo!" sigaw ko sa kanya.
Pilit kong hinihila ang kadena kahit pa humahapdi na ang kamay at paa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/15383205-288-k19525.jpg)
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...