Chapter 15: Mother and Daughter (Part2)

28.7K 608 36
                                    

Lian's POV:

"Masaya ako at nagkita tayong muli mama."

"Maging ako man anak ko."

Muli kaming nagyakap ni mama.

Wala kaming pakialam kung ano ang iisipin ng mga pumapasok sa CR.

Para kaming barkada lang na nag-uusap doon.

"Anak, tara kain tayo.. Gusto pa kitang makasama."

"Sige po."

Nauna akong lumabas upang tingnan kung naroon si Darius.

Tinawagan ko rin ito.

Nang masigurong nasa kotse pa din ito ay nag-alibi akong may bibilhin pa.

Nangako naman akong dadalhan ko siya ng makakain.

Binalikan ko na si mama.

Kumain kami sa isang italian restaurant doon na din mismo sa loob ng mall.

Panay kwentuhan namin.

Tinanong niya ako kung anong nangyari sa akin noong iligtas ko siya hanggang sa mawala ako.

Ikinuwento ko naman ang lahat.

Pansin ko ay napatiim bagang siya ng banggitin ko si Phantom.

"Mama, sino po ba si Phantom?"tanong ko.

"Si Phantom ay kapatid ng papa mo. Hindi lang sila basta kapatid, magkakambal pa."

Saglit muna siyang natahimik bago muling nagsalita.

"Una kong nakarelasyon si Phantom ng maging assassin ako ng mafia. Pero nang makilala ko ang papa mo ay nabaling rito ang pag-ibig ko. Ikinagalit iyon ng labis ni Phantom."

Pinakinggan kong mabuti ang bawat sabihin ni Mama at inalisa ito.

Kung ganoon, bakit pa niya ako iniligtas?

Upang gamitin laban sa pamilya ko?

Kailangan kong mag-ingat pa ng husto.

Nagkwentuhan pa kami ni Mama at halos dibna namin namalayan ang oras.

Mag-aalas 8 na ng magpasya kaming maghiwalay.

"Sekreto muna natin ito ma.."

"Promise anak.."

Nagyakap pa kami bago naghiwalay din sa restaurant na iyon.

Binilhan ko na din ng pagkain si Darius bago ako bumalik sa kotse.

Naabutan ko siyang nanonood sa laptop niya.

"Pasensya ka na ha? Nawili ako sa pag-iikot eh.. Eto dinalhan kita ng take out."

Inabot ko sa kanya ang paper bag.

Umayos na din kami ng upo.

"Di ka na sana nag-abala.. Ipagluluto naman ako ni Manang." Sagot niya.

Ngumiti lang ako.

Kakaiba si Darius.

Alam kong nagmamasid lang siya at marami siyang alam..

Pero ang di ko maintindihan ay kung bakit niya ako hinahayaan..

May pinaplano kaya siya laban kay Phantom?

Imposible naman yata..

Ilang minuto din kaming tahimik na binaybay ang daan pauwi.

"Syanga pala, young lady.. Bumalik na ng Japan si Phantom.." Pagbibigay alam ni Darius.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon