3rd Person's POV:
Mula sa labas ng bakod ay dahan dahang sumampa sina Darius at Yana saka pumakabila.
Nauna si Darius at tinulungan si Yanna na makababa.
Kaagad silang tumakbo sa pinakamalapit na building habang buong ingat na minamatyagan ang paligid.
Lihim silang nagtaka at tila walang bantay doon.
May mga patay din silang nakikita sa dinaanan.
"Andito kaya si Lian?" tanong ni Yanna sa binata.
"Malamang.. Siya lang naman ang makakagawa ng ganito.. Maliban na lang kung napasok na din ito ng pangkat ni Eagle." sagot ni Darius.
"Pero nasa kabila sila.." Yana.
Sinuyod nila ng tingin ang paligid.
Wala talagang bantay na dumadaan.
Pero umiikot pa din ang spot light kaya iniiwasan nila ito.
Tatakbo na sana sila pakabila pero nakasalubong nila ang dalawang gwardya.
Agad na humataw ng suntok si Darius kasabay ng pagsipa niya sa isa pa.
Napasadsad ang mga ito sa lakas ng impact.
Akmang bubunot ng baril ang guard pero kaagad na kumilos si Yana at sinipa ang kamay nito.
Nakabangon naman ang isa kaya ito ang hinarap ni Darius.
Mabilis at pulido ang kanyang galaw na binigyan ng isang flying kick ang lalaki na tumama sa may baba nito na ikinaikot ng lalaki.
Tumilapon pa ito at sinalo ng mga nakapile na drum sa gilid.
Binigyan naman niya ng isang turning kick ang kalaban ni Yana at tumilapon din ito.
Mabilis namang nakabawi ang lalaki at akmang susugod pa pero inunahan na ito ni Darius at binigyan ng tatlong magkasunod na jackhammer punches.
Bagsak ang dalawa at di na muling nakabawi at nawalan na ng malay.
Agad na hinawakan ni Darius ang kamay ni Yana at tumakbo na sila papasok ng main building.
RATATATAT!!
Habang tumatakbo sila ay pinauulanan naman sila ng bala ng mga bantay naa nakapansin sa pagpasok nila.
Mabilis na hinila ni Darius si Yana patakbo sa kabilang building.
May kalayuan din ito kaya panay yuko nila at sa paikis-ikis na paraan ay pinilit nilang makarating sa kabila.
Bang! Bang! Bang!
Pinilit ni Yana na magpaputok at barilin ang nakikitang kalaban.
Ganun din ang ginagawa ni Darius.
"Go, Yanna.. I'll cover you!" sigaw ni Darius.
Mabilis namang sumunod si Yana at tinakbo ang kabilang building.
Patuloy na nakipagbarilan si Darius.
Papaubos na ang kanyang bala.
Malapit na siya..
Halos isang dipa na lamang kaya tinalon niya ito habang kinargahan ng panibagong magazine ang hawak na baril.
Saktong naglanding siya malapit sa pader kaya gumulong siya at sumandal rito.
Patuloy pa din ang pagratrat ng mga kalaban.
Muling sumilip si Darius pero pinaulanan lang sila ng bala.
Napatingin siya sa itaas.
May isang bintana doon na nakabukas.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...