Story plug: read the ILYMG side story in titled My Supermodel Girlfriend.
Its a story of Nick and Nina...
Wanted Fb Operators for ff. Cast..
Jaya and Kate
Louie and Gian
Darius and Uno
+++++++
Rave's POV:
Mabilis kong sinalo si Lian bago pa tuluyang bumagsak sa sahig.
Binuhat ko siya at inilapag sa kama.
Kaagad kong idinayal ang numero ng family doctor namin.
Habang hinihintay ko ang doctor ay pinunasan at inayusan ko muna si Lian.
Nilinis ko ang sugat niya.
Maya maya ay dumating din si Doc Ada..
Kaagad na sinuri nito si Lian.
"It seems na may nangyari sa kanya habang nakaconfine but she's okay now. Anyway, ive listed some medicines for her.. Dont worry Rave, magiging okay din si Lian." sambit ni Doc sa akin.
"Salamat doktora.." sabi ko at inihatid na siya sa pinto.
"Your always welcome Rave.. Anyway, condolences nga pala sa nangyari sa Daddy mo.. Si Miranda nakauwi naba?" tanong niya.
"Nope, baka sa makalawa pa siya darating." sagot ko.
"Okay, give my regards to her.." sabi niya.
Nagpaalam na siya.
Binalikan ko na si Lian.
Nagkamalay na pala ito.
"Hubby..." mahinang sambit niya.
Tila ipinako ako sa aking kinatatayuan.
Dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa akin.
"Im sorry... Dahil sa akin nawala ang pamilya mo.." sambit niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Angel ko.. Wala kang kasalanan.. Pareho lang tayong biktima ng pagkakataon.."sagot ko at yumakap din sa kanya.
I know marami pa kaming haharaping problema pero nakapagdesisyon na ako..
I want her to be fully mine..
Ilang saglit din kaming nanatili sa ganoong posisyon.
Sabay pa kaming napalingon ng may magdoorbell.
Naunang bumitaw si Lian at naupo sa kama.
Lumabas naman ako upang tingnan kung sino ang dumating..
Napatiim ako ng makita si Darius sa labas ng aking pintuan.
May mga kasama pa siya na tyak kong tauhan din ni Phantom.
"Sinusundo na namin si Lian..." seryosong sabi niya.
Deretso pa siyang pumasok sa loob.
Sakto namang lumabas si Lian mula sa silid.
Kaagad na nag vow si Darius sa kanya.
"Pinapasundo na po kayo ni Phantom, Young lady.." magalang na sabi ni Darius.
I wonder kung bakit nanatili siyang nasa poder ni Phantom gayong ito ang pumatay kay Ate.
"Hintayin nyo nalang ako sa ibaba..." sagot naman ni Lian.
Tumango si Darius at lumabas na.
Tinapunan pa niya ako ng huling sulyap bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...