Chapter 4: Memories

33.1K 657 43
                                    

Isulong ang Rian or Rain couple..

hehehe.. thanks sa kanya siya ang nagbigay ng name sa ating ILYMG couple..

---////-----

Lian's POV:

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Kaba...

Excitement..

Takot...

At isang damdaming di ko alam.

Katabi ko sa kotse ang lalaking ito na seryosong nagmamaneho sa kanyang sasakyan.

Tahimik lang kami pareho at ayokong ako ang mag-umpisa ng usapan.

Pumayag akong sumama sa kanya dahil gusto kong malaman ang nakaraan ko.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya.

Ang gwapo talaga niya...

Kaano-ano ko kaya siya?

Totoo kayang boyfriend ko siya gaya ng narinig ko sa kanya noong nakaraang linggo?

"Anong iniisip mo?" biglang tanong niya.

Nagulat ako kaya napaayos agad ako ng upo.

"H-ha? Ah.. Eh.. S-saan ba tayo pupunta?" nasabi ko nalang.

Pasimple naman siyang ngumiti.

"Sa lugar kung saan una tayong nagkita.." sagot niya.

Una kaming nagkita?

Napatingin ako sa paligid.

Nasa highway pa din kami.

Saan kaya kami unang nagkita?

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan namin.

Nauna siyang bumaba at pinagbukas pa ako ng pintuan ng kotse.

"Lets go..." sabi ni Rave at inilahad pa ang kamay.

Atubili pa akong kunin yun pero inabot ko na din.

Tila may kuryenteng biglang dumaloy sa akin pagkadaop ng aming mga palad kaya napabitaw ako agad.

"What's wrong?" takang tanong niya.

"W-wala..." sagot ko at inilibot ang tingin sa paligid.

Namangha ako ng makitang nasa isang paaralan kami.

S.I.U.

Tila may humaplos sa puso ko pagkabasa nito..

Kung ganoon, dito ako nag-aaral dati?

Marami-rami pa ang studyanteng nasa school at ang iba ay mukhang nagulat ng makita ako.

Naramdaman ko ang muling paghawak ni Rave sa kamay ko.

Kay init ng kanyang palad at ang sarap hawakan ng malambot niyang kamay.

Pumasok na kami sa loob at naglakad sa open field.

Soccer...

May mga varsity na naglalaro doon..

Tila may imahe na agad pumasok sa aking alaala.

Subalit malabo ito at agad ding nawala.

"This is where we first meet.. Kaya dito tayo magsisimula Lian.." sabi ni Rave sa akin.

Naiilang ako sa matiim niyang pagkatitig sa akin.

Yung mga mata niya..

Tila hinihigop ako at inaayang makipagtitigan.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon