Chapter 7: Kiss in the Rain

33.5K 673 50
                                    

A/N: buong chapter ay moment ng ating RAIN couple

Rave's POV:

Kasalukuyan kaming nasa condo ni Louie at tumatambay.

Pinagplanuhan namin ang gagawing strategy upang di mahalatang kami ang Black Phyton Gang.

Iilan lang kasing gangsters ang nakakaalam na kami ang dating rank 1 na ngayon ay nagbabalik.

"Dapat ba talagang di natin ipaalam ang pangalan natin, Rave?" tanong ni Gian.

Ikaapat na namin laban sa biyernes ng gabi at palaging No Name Gang ang dala namin at nakasuot din kami ng maskara.

"Oo, saka na tayo lalantad kapag nakatungtong na tayo sa rank 3. Alam na ng Death Trio ang pagbabalik natin.." sagot ko..

Sabay kaming napalingon ng biglang tumunog ang celfon kong nakapatong sa divider na nasa likuran ko lang.

Tumayo ako at dinampot ito upang tingnan kung sino ang tumawag.

Agad na lumawak ang pagkangiti ko ng makita ang nakarehistrong pangalan sa screen..

Angel Ko Calling...

"Huhulaan ko yan! Si Lian ang tumatawag!" sigaw ni Gian.

Nginisihan ko lang sila at agad na lumabas sa terace upang sagutin ito.

"Angel ko?"

"Pwede mo ba akong puntahan rito? Kailangan ko ng kausap..."

"Okay andyan na ko.."

Agad naman nitong pinutol ang tawag.

Pasipol-sipol pa akong bumalik sa sala.

"Aalis muna ko.. Kailangan ako ni Lian." sabi ko.

"Naalala ka na niya?" tanong ni Nick.

Umuling ako..

Di ko alam kung ano ang estado ng relasyon namin.

Kung naaalala na ba niya ko, pero gaya ng sabi ko sa sarili ko...

Tuturuan ko ang puso niyang alalahanin ako..

"Saka na tayo magmeeting uli.. Pupuntahan ko lang si Lian."

Nasa harap na ako ng salamin at nagpapagwapo habang sinasabi iyon.

Napangisi naman ang tatlo habang pinapanood ako.

Buti nalang at di kami nag-inuman kanina.

"Eh saan daw kayo magkikita?" tanong ni Louie.

Fuck!

Oo nga pala..

Di ko naitanong kay Lian kung nasaan siya.

Napatigil ako sa pag-aayos ng buhok at napakunot noong humarap kay Gian.

"Di ko naitanong.." sabi ko.

Natampal naman ni Gian ang kanyang noo.

"Hay naku Boss... Nagiging ulyanin kana!" sabi niya at napailing na kinuha ang laptop.

Napangiti nalang ako at muling inayos ang buhok.

Sinipat-sipat ko pa ang sarili sa iba ibang anggulo.

Alam ko namang maaasahan si Gian sa trabahong iyan.

"Nasa baywalk si Lian.." pagkuway sabi ni Gian.

Dinampot ko na ang susi ng kotse at lumabas ng unit.

"Salamat!" sabi ko at isinara na ang pinto.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon