Brad's POV:
"Kumusta ang paghaharap niyo ni Lian?" tanong sa akin ni Lion.
Nagkibit balikat lang ako.
Di ko alam kung anong reaksyon niya.
Katulad pa rin siya ng dati.
Di ko mabasa ang iniisip dahil blangko ang tingin at tila walang pakialam sa iba.
Pero may nagbago na sa kanya.
Bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha sa bagong mundo na ginagalawan.
Tila siya isang ibong malayang gawin ang paglipad.
"Wala.. Siguro naalala niya.. Maaari ring hindi. Masaya siya Lion.. Bakas iyon sa kanya." sabi ko.
Kinuha ko ang baso na may lamang alak at deretso itong tinungga.
"Anong plano mo?" siya uli.
"Sa ngayon wala pa.. Gusto ko siyang bawiin, pero sa nakikita kong kapanatagan niya at kasiyahan... (buntong-hininga) parang gusto ko munang panoorin na lamang siya at walang gawin." sagot ko.
Saglit kaming parehong natahimik.
"Gusto ko na siyang makita.." biglang sabat ng kanilang mama na inilapag ang tray ng pulutan sa aming harapan.
Oo nga pala..
Nailigtas ni Lian ang mama niya pero di man lang sila nagkaroon ng pagkakataong magkasama ng matagal.
"Hindi pa ngayon mama... Hindi ka niya makikilala.." sagot naman ni Lion.
Umupo naman ito sa katapat na silya namin.
Kasalukuyan kaming nasa mansion at nag-iinuman.
Dito na ako halos tumira simula ng mawala si Lian.
"Hindi naman ako magpapakilala sa kanya. Gusto ko lang siyang makita.." pakiusap nito sa anak.
Napabuntong-hininga kami pareho.
"Gagawan ko ng paraan tita.." sabi ko at matiim na nakatingin kay Lion.
Tumango naman ito.
Marahil, mararamdaman din ni Lian ang lukso ng dugo.
------///------
Rave's POV:
"Hoy! Mapupunit na iyang labi mo sa sobrang pagkangiti.." intag ni Louie sa akin.
Binalingan ko sila na nakangiti pa din.
"Para kang baliw Rave. Ta na yan pwede?" si Nick.
"Masaya lang ako mga tol! Kahit kasi di niya ako naaalala, halata kong parehas pa din kami ng nararamdaman ng Angel ko.." sagot ko sa kanila.
Ramdam kong mahal ako ni Lian kahit di niya aminin.
"Asus! E di dumamoves ka na para maging kayo na muli." si Gian.
Napakunot noo ako.
"Anong gagawin ko?" ako.
"Tol, kailangan mong ligawan si Lian. Kasi di naman siya nakaalala na bf ka niya. May atraksyon lang." sabat ni Louie.
"Bilisan mo boss! Sa pagkakaalam ko eh, nasa Crimdin na si Brad.. Baka unahan ka pa noon.." dagdag ni Gian.
Napatayo ako bigla.
Fuck!
Yung trigger na iyon?
Nasa Crimdin? Di pwede...
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...