A/N: join our ILYMG facebook page guys and interact w/ Lian and Rave:
https://m.facebook.com/groups/279537708887834
+++++++
3rd Person's POV:
"Magbati na tayong lahat.."
Natahimik ang lahat sa salitang binitiwan ni Lian.
Mas lalong nalukob ng tensyon ang paligid.
BOOOOMMM!!!
Isang malakas na pagsabog ang naganap sa chopper na sinasakyan nina Lian..
Halos sabay silang napayuko sa tindi ng pagsabog.
Mabilis namang nakalapit sina Brad, Darius at Rave kay Lian at kaagad kinober ang dalaga.
Naging alerto namang ang lahat at kanya kanyang takbuhan.
Hinanap kaagad ni Lian kung saan nanggaling ang pangahas na nagpasabog sa kanilang mansion.
Kapwa naman pinoprotektahan nima Phantom at Eagle si Lara.
Naispatan ni Lian ang isang sniper sa taas ng puno katapat ng kanilang mansion.
Agad niyang kinuha ang baril ni Brad at inasinta ang sniper.
Sapul sa ulo at bumagsak ito sa lupa na wala ng buhay.
May mga kalaban namang nakita ang mga tauhan nina Phantom at Eagle kaya nagkapalitan ng putukan.
"Darius 4 o'clock!" sigaw ni Lian..
Kaagad namang umikot si Darius at ipinutok ang baril sa dereksyong sinabi ni Lian.
"Pumasok na kayo.. Kami na ni Darius ang bahala rito.." utos ni Brad kina Rave at Lian.
"Tara na Angel ko.." sambit ni Rave.
Binigyan din siya ni Darius ng baril..
Kaagad namang hinila ni Rave si Lian at patakbo silang pumasok sa mansion.
Nasa kalagitnaan pa lamang sila nang makita ni Lian ang isa pang kalaban na papalapit.
Hinila ni Lian ang kamay ni Rave at umikot papunta sa harap ng binata saka binaril ang kalaban.
Nagulat man ang binata ay kaagad naman siyang nakabawi.
"Thank you.." sabi niya.
Ngumiti lang si Lian.
At dahil nasa likuran siya ng dalaga ay siya naman ang nakakita sa kalaban.
Agad siyang nagpaputok habang itinulak payuko si Lian.
Sabay silang nagpaputok habang magkatalikod na lakad-takbo papasok ng mansion.
Kapwa pinoprotektahan ang bawat isa.
+++++++
Eagle's POV:
"Sa likod mo!" sigaw ni Phantom at saka itinulak ako pagilid at binaril ang kalaban sa likod ko.
Hindi ko akalaing gagawin niya ito.
Sa tindi ng alitan namin ay nakuha pa din niya akong iligtas.
Magpapasalamat na sana ako pero nakita ko ang isang grupo ng kalaban na paparating.
Abala pa si Phantom sa iba kaya ako naman ang humarap sa kanila.
Nagpaslide ako sa sahig at saka niratrat ng bala ang paparating.
Nakapagtago naman ang iba kaya nakaganti pa ng putokan.
Gumulong ako at sumandal sa isang haligi.
![](https://img.wattpad.com/cover/15383205-288-k19525.jpg)
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
БоевикBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...