Join the ILYMG fb oage guys. Its in my profile. Follow the journey of Rain Couple..
----------
Lian's POV:
Maaga pa lamang ay nasa school na ako.
Nakakabagot din palang mag-isa..
Wala pa kasi si Nina at yung tatlo.
Hahaysss!!!
Tinungo ko na lang ang locker.
Kukunin ko yung kabibili ko lang na book at wala akong mapaglibangan.
Pagbukas ko pa lang ng locker ay nagulat ako ng tumambad ang isang teddy bear na may hawak na heart.
Napataas ang isa kong kilay at dinampot ito.
May nakaipit na papel kaya agad kong binuklat at binasa.
*Smile... It pleases me to see you smiling..*
Walang nakalagda pero tiyak akong galing sa kanya ito.
Talagang tinutoo niya ang sinabi niya?
"Oi! Ang ganda naman niyan! Ang swerte mo talaga kay Rave at mahal na mahal ka niya!"
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Nina sa tabi ko.
"Hindi sa kanya to.." sagot ko at ibinalik ang stuffed toy sa locker.
Nakita kong napakunot ang noo niya sa sagot ko.
Maya-maya ay biglang nanlaki ang mata niya at napatakip sa bibig.
"OMG! Kung di sa kanya galing yan... Ibig sabihin... May secret admirer ka!" patili niyang sambit.
Napatakip tuloy ako ng tainga.
Naglakad na ako paalis ng locker area.
"Hoy! Lian sandali! Kanino galing iyon?" habol ni Nina sa akin.
Nagkibit balikat nalang ako.
Di ko maaring sabihin na kay Brad iyon galing at baka aabot kay Rave.
Masyado pa naman itong seloso...
Pumasok na kamibsa una naming klase.
Wala namang gaanong diniscuss dahil katatapos lang ng midterms at abala din sa paghahanda para sa susunod na linggo.
Matapos ang dalawang magkasunod na klase ay vacant period na namin.
Pumunta kami ni Nina sa canteen at naabutan namin ang tatlo doon.
Naupo kami ni Nina sa mesa kasama nila matapos mag-order.
"Oi may partner naba kayo sa Grand Ball?" tanong agad ni Monique.
Nagkibit balikat ako.
Di ko pa naiisip yan.
At isa pa si Rave ang partner ko.
Pwedi naman daw na mag-imbita ng tagalabas.
"Buti pa kayo may partner na... Ako wala pa. Ang dami kayang nag-aabang kay Brad.." malungkot na sabi ni Kate.
Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Gusto mo si Brad?" tanong ko.
Napayuko naman si Kate at tumango.
"Matagal na.. Mula pa noong una ko siyang makita.. Pero iba ang tinitingnan niya eh.." sagot niya.
Deretso siyang nakatingin sa akin.
Naiilang naman ako.
May alam ba siya tungkol sa amin ni Brad?
"Tulungan mo ko Lian please!" sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...