Chapter 37: Apollo

22.5K 526 46
                                    

Business is always be a business and Power is the most wonderful thing to own..

********

Note: THIS IS ONLY A FLASHBACK of APOLLO's LIFE...

*********

Apollo's POV:

Halos manginig ako mula sa kinatatayuan ng makitang paparating ang Pentagon.

Di nila dapat malaman ang tungkol sa pamilya ko..

Mabilis kong tinungo ang silid at kinuha ang baril mula sa aking lalagyan.

"Anong nangyari, Mahal ko?" Nagtatakang tanong ng aking asawa.

Di ko namalayang nagising pala siya mula sa pagkaidlip.

Agad akong sumenyas na manahimik siya.

"Dalhin mo ang mga bata sa basement. Magtago kayo doon hintayin nyo ako.." Utos ko sa kanya.

Nahintakutan naman siya sa sinabi ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay at hinalikan siya sa labi.

Nilapitan ko ang dalawa kong anak na kasalukuyang natutulog sa kabilang kama.

"Bilisan mo Minerva.. " utos ko.

Dali-dali namang ginising namin si Aryana at binuhat si Rave.

Ikinasa ko ang baril at tinungo ang sala.

Papasok na ang mga mafia.

Kailangang maprotektahan ang pamilya ko..

Kaagad na sinipa ko ang salamin na bintana at inilusot ang kalahati ng katawan ko saka ko pinagbabaril ang mga mafioso.

Dahil sa gulat ay di agad sila nakaganti.

Agad namang nagpaputok ang nasa kabilang dereksyon ko.

Mabilis akong nagpalipat lipat ng pwesto at inililihis sila sa dereksyong kinaroroonan ng aking pamilya.

Wasak na ang buong lugar at nagkalat ang basag na gamit dahil sa palitan namin ng putok.

May mga nakakalat na ding patay na mafia.

Mabilis kong tinakbo ang hagdan pataas habang alerto sa mga kalaban.

May nakakasalubong ako kaya agad ko silang pinagbabaril.

Maliksi naman ang kilos ko sa pagpapalit ng magazine ng baril.

Arrrggghhh....

Napaigik ako ng matamaan ng bala sa balikat.

Mabuti nalang at di gaanong delikado ang tama.

Napasandal ako sa dingding at tinantiya ang kasunod na galaw.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Rave (isang taon pa lamang ng panahong iyon) na paika-ikang naglalakad.

Humahabol naman sa kanya si Minerva.

F*ck!

Mabilis kong pinagbabaril ang mga mafioso na lumantad.

Dahil abala ako sa pagprotekta ng aking mag-ina ay di ko napansing may paparating sa pwesto ko .

Sa isang iglap ay may tumamang bala sa likod ko.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon