Monique's POV:
Hay... Ba't ba ako nag-iisa ngayon?
Nakakabagot naman dito..
Buti pa dalawin ko na lang si Lian sa ospital.
Mabilis akong nagpalit ng damit at agad na tinungo ang ospital.
Dumaan muna ako sa isang fruit stand at bumili ng prutas para kay Lian.
Tuloy tuloy na ako sa loob..
Nagulat pa ako nang makita si Brad na kasalukuyang naghahanda ng makakain kay Lian.
Ackward...
"Ah... Eh... Hi! Hehehe... Sorry.. Kala ko walang tao." hinging paumanhin ko.
"Monique.. Lika.. Nasaan sila?" nakangiting sambit ni Lian.
Isamg sulyap lang naman ang ginawa ni Brad at itinuloy ang ginagawa.
"Nasa photoshoot si Nina. Sina Kate at Jaya naman ay umuwi sa province at bukas pa ang dating." sagot ko at inilapag ang dala sa mesita.
Inabot naman ni Brad ang plato kay Lian.
"Labas muna ko.." paalam nito kapagkuwan.
"Okay.." sagot naman ni Lian.
"Thank you sa pagdalaw Nic ha.." sambit ni Lian.
Hinila ko ang isang silya at naupo sa gilid ng kama.
"Wala iyon.. Nga pala, close talaga kayo ni Brad no? Sya pa ang nagbabantay sayo dito." pasimple kong tanong.
Ngumiti naman si Lian.
"Siya ang guardian ko.." sagot niya.
Guardian?
Diba andito naman ang parents ni Lian?
Aisshh...
"Crush mo rin sya noh?" nakangising tanong ni Lian.
Nanlaki ang mata ko sa gulat.
Waaahhh...
Graveh naman...
Straight to the point talaga?
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
"Waaaaahhhhh... Lian naman! Ba't ganyan ang tanong mo?" tili ko habang nakasapo ang aking mga palad sa aking pisngi.
Napahalakhak naman siya.
"Binibiro lang kita.. Ang seryoso mo.." nakatawang sabi niya.
Napasimangot ako.
"Ang laki ng ipinagbago mo.. Dalawang linggo lang tayong di nagkita ganyan ka na agad!" nakangusong sambit ko.
Napangiti naman siya.
"Kasi napag-isip ko, ang ikli lqng ng buhay.. Ilang beses na ba akong nabingit sa kamatayan? Kaya dapat eenjoy ko na lang muna.." nakangiti niyang sabi.
Pero kahit nakangiti siya, ramdam ko ang bigat at lungkot na dinadala niya.
"Don't worry friend, papasayahin ka namin.."masiglang sabi ko at ginagap ang kanyang palad.
++++++++
Lian's POV:
Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa kwentuhan namin ni Monique.
Natatawa pa din ako habang naalala ang pamumula niya sa panunukso ko..
Alam kong may crush siya kay Brad.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
AcciónBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...