Chapter 35: My Way, Sniper's Way

23.4K 550 27
                                    

A/N: helo po sa lahat ng mga tagasubaybay at fanatics ng ILYMG at TLA..

I hope magjoin kayo sa ating group at makipag-interact sa ating cast..

Nagpapa-audition po ako sa mga gustong maging operator ng cast..

Just visit my Fb account for info..

maureen.nurz@facebook.com

Or visit raven and lian in their fb page..

Raven.wattpad@facebook.com

Lian.vena@facebook.com

Anyways, this is dedicated to you..

Andito ka na sa scene na ito gaya ng request mo.. ^_^

----------------

Rave's POV:

Ilang beses ko nang sinubukang kausapin si Lian pero palagi akong bigo..

Kahit anong pakiusap ko ay hinaharangan ako ng mga tauhan ni Eagle at Phantom.

Angel ko...

Mahal na mahal kita...

Please, kausapin mo ko...

"Rave tara na... Mukhang wala naman silang balak na papasukin ka.." yaya sa akin ni Nick.

Kasalukuyan kaming nakatayo sa harap ng underground mafia society kung saan nakatira si Lian at ang kanilang pamilya.

Umiling ako..

Muli kong susubukang makiusap.

"Please papasukin niyo ko.. Gusto kong makita si Lian.." pakiusap ko.

"Hindi nga pwedi, San Diego.. Ilang beses ka ba naming paalisin!" iritadong sambit ng tauhan ni Phantom.

"Lian! Please harapin mo ako, Angel ko!" sigaw ko habang nakahawak sa rehas ng gate..

Pilit akong pinaaalis ng mga guards..

Biglang bumukas ang main door at lumabas mula rito si Eagle.

Kaagad namang lumapit sa likod ko si Nick.

"Ano pang ginagawa mo rito, San Diego? Wala rito si Lian.." mariing sambit ni Eagle.

Napailing ako..

Kaya kung mawala ang lahat sa akin wag lang ang Angel ko..

Lumuhod ako sa harap ni Eagle.

Napasinghap pa sila sa ginawa ko..

Yumuko ako at hinawakan ang kamay ni Eagle.

"Parang awa mo na.. Gusto ko siyang makita.. Mahal na mahal ko ang anak niyo..." sambit ko.

May humawak sa balikat ko at itinayo ako kaya napaangat ako ng tingin.

"Miss Lara..."mahinang sambit ko.

"Tumayo ka, wala rito si Lian.. At nasa kanya ang desisyon kung haharapin ka niya.." sambit ng mommy ni Lian.

Napabuntong hininga ako..

Tama sila, kung gusto akong kausapin ni Lian ay nakagawa na siya ng paraan..

Laylay ang balikat na umalis ako sa lugar na iyon.

Walang dereksyong basta nalang akong nagmaneho.

Di ko alam kung saan ako napadpad.

Basta nalangg akong tumigil sa isang bar na nadaanan ko.

Pagpasok ko pa lamang ay bumungad agad sa akin ang mga babaeng halos walang saplot na nagsasayaw sa gitna.

Agad naman akong iginiya ng isang waiter sa isang mesa.

ILYMG Book 2: The Lost AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon