Aryanna's POV:
Nagising ako sa ingay na naririnig.
Kaagad akong napabangon subalit napangiwi ako sa sakit ng aking ulo.
Arrggghh....
Nasaan ako?
Nilibot ko ang tingin pero wala namang tao sa loob at tanging nakabukas na tv ang naroon.
Bumuukas ang pintuan ng silid kaya napabaling ako doon.
Isang lalaki ang pumasok.
Napangiti pa ito nang makitang gising na ako.
"Hi! Mabuti gising ka na... Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito at mabilis na lumapit sa akin.
Bata pa ito at tantiya ko ay magkasing edad lang kami o mas mas matanda siya ng konti.
Mukha siyang foriegner pero nagsasalita naman ng tagalog.
"Nasaan ako? Sino ka?" tanong ko.
"Im Lance Fray... Andito ka sa bahay ko.. Nakita ko kasi ang nangyari sayo. Isa akong doktor.." sagot naman niya.
Napatitig ako sa kanya.
"Salamat.. Kailangan ko nang umalis.." sambit ko at tumayo na.
Medyo nahihilo pa ako kaya muntik na akong matumba.
Mabuti nalang at maagap siyang nakaalalay sa akin.
"Oopps! Careful.. Hindi ka pa siguro dapat umalis. Magpahinga ka muna.." sabi nya.
Umiling ako.
Kailangan kong iligtas si Rave.
"Hindi pwede.. Dapat na akong umalis.." sabi ko.
"Sige.. Kung ganun ay ihahatid kita.." sagot naman niya.
Hindi ko dapat siya isama.
Baka madamay siya.
Walang kasiguruhan ang pupuntahan ko.
Baka sa gate pa lang ay binaril na ako ng mga tauhan ni Eagle at Phantom.
"No, wag na.. Salamat nalang.." sagot ko haba isinuot ang sapatos.
"I insist.. Wala kang sasakyan at malayo ang sakayan mula rito." giit niya.
Napatingin ako sa kanya.
Seryoso siya at desidido.
Napabuntong-hininga ako.
"Okay.. Tayo na.." sagot ko.
Lumawak naman ang pagkangiti niya at hinawakan ako sa siko habang papalabas kami.
May kalakihan din ang bahay niya pero mukhang walang ibang nakatira.
"Nag-iisa lang ako rito.. Pero may tagalinis ako na nagpupunta." sabi niya na tila nahulaan ang iniisip ko.
Ipinagbukas niya ako ng pintuan ng kotse.
He's such a gentleman.
Para din siyang si Darius..
"So saan tayo?" tanong niya habang inistart ang makina ng kanyang kotse.
Sinabi ko ang address.
Napakunot noo naman siya.
Ngumiti ako.
"Ituturo ko sayo ang daan.." sabi ko.
Tumango naman siya at nagmaneho na.
Habang daan ay tahimik kaming dalawa.
Tama siya may kalayuan nga ang lugar.
Halos 2 oras din kami bago nakarating sa undergruund society ng mafia.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...