Rave's POV:
Shit! Kanina pa ako rito sa Edsa at naiipit sa traffic!
Halos mapudpud na ang busina ko sa kapipindot!
Baka nakaalis na sina Lian.
Ang tanga ko kasi!
Naiwan ko ang celphone sa bahay kaya di ako makatawag.
"Hoy! Ano ba! Uusad pa ba kayo!" sigaw ko sa mga nasa unahan.
Pinaandar ko uli ang kotse at minaniobra paatras..
Hahanap nalang ako ng ibang daan.
Lumusot ako sa kung saan saang iskinita.
Halos masagi ko pa ang mga nagtitingda sa gilid hanggang sa tuluyan akong makalagpas sa traffic.
Agad kong binilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse.
Ilang minuto nalang at alas syete na, tiyak na paalis na sila.
Papalapit pa lang ako sa gate ng mansion ni phantom ay todo busina na ako.
Kaagad namang ibinukas ng guard ang gate kaya tuloy tuloy na ako sa loob.
Nakita ko ang kotse nila kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
Buti nalang di pa sila nakaalis.
Agad akong bumaba at tinungo ang main door.
Di na ako kumatok at ibinukas na lang nang mauliningan kong nasa loob pa sila.
"Im sorry im late.." sambit ko pagkapasok.
Napalingon naman sila lahat sa akin.
Papasok na sana ako ng tuluyan pero napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ang babaing pababa ng hagdan.
Maging sila ay doon din napatingin.
She's so beautiful in here evening black dress..
Tila isang prensisang bumaba sa kanyang palasyo.
Napatingin din siya sa akin.
May konting pamumula sa kanyang pisngi at bahagya pa siyang napangiti.
My angel is blushing...
"Hubby..." sambit niya.
Tila wala ako sa sariling naglakad papalapit sa kanya na nasa ibaba ng hagdan.
"Angel ko... Your so beautiful.."mahinang sambit ko at hinawakan ang kanyang kamay..
Dinala ko ito sa aking bibig at kinintalan ng munting halik.
Napakislot naman siya ng bahagya.
Marahil ay nagulat sa ginawa ko.
"Sorry im late.. Natraffic ako eh.." sabi ko.
Ngumiti naman siya..
"Im happy your here.." sagot niya.
"Lets go na guys! Excited na ko... Ikaw mine??" nakangiting sambit ni Monique na nakaabresyete pa kay Brad.
Napakunot noo ako at napabaling kay Lian.
"Sila na ba?" bulong ko.
Nagkibit balikat naman siya..
"Ewan. But im happy for them.." sagot niya ng pabulong din.
Napatango nalang ako.
Ikinawit na ni Lian ang kanyang kamay sa aking braso at sumunod na kami sa kanila.
BINABASA MO ANG
ILYMG Book 2: The Lost Assassin
ActionBook 2 for I love you, mr.gangster. kung hindi niyo pa nabasa ang book 1, pakibasa nalang muna para di kayo maguluhan. -- What if she lost her memories? what's gonna happen? would she became more ruthless and merciless? or her heart could guide her...