CHAPTER 07

2.4K 69 1
                                    

Chapter 07:  The Bullies

SEANZO'S POV

"Hijo, magpahinga ka muna. Mukhang masama ang pakiramdam mo ngayon." Pag-alala ni Pappa. Ngumiti naman ako. Pero maya maya pa ay nag-iba ang mukha niya. Whaaaa! Baka may naiwang tsokolate sa ngipin ko. Uwaa! Bawal pala sakin 'yon.

"Seanzo? Magtapat ka nga sa akin? Kumain ka na naman ng tsokolate?" Patay na. Wala na akong nagawa kundi ang yumuko. Natatakot akong magalit si Pappa. Para kasi siyang Lion kung magalit. Geez. Natatakot ako.

"Ah-eh-Ah hihihi opo." Huwaa! Lord kayo na po ang bahala sa akin kung sakaling mamatay na ako ngayon. Mamatay sa sermon ni Pappa.

"Ewan ko na lang sa'yong bata ka. Sige na at bumababa kana mula sa kwarto mo dahil kakain na tayo ng tanghalian. Pupunta tayo sa Universidad" Salamat Lord. Whoa! Akala ko papagalitan niya ako ulit. Hihi kakain kaya ako ng tsokolate total hindi naman siya nagalit diba?

Kaya kumuha ako ulit ng tsokolate sa Ref. Hihihi ang bait talaga ni Pappa sa akin. Sisimulan ko na sanang kainin pero..

"Seanzo Lorenzo akin na 'yang hinahawakan mo." Dumating si Yaya Mercedes. Uwaaa! Bad talaga ni Yaya Mercedes.

"Yaya naman. Isa na lang po talaga. Por Pavour" Tska nagpacute pa ako. Hihi baka sakaling tumalab pero wa epek. Kinuha niya ulit 'yon tska nilagay sa ref. Bahala na nga iinom na lang ako ng Chuckie mamaya.

ASHTON'S POV

Magtatapos na ang unang klase. Bakit ba kasi naghiwalay kami ni Dude. Hindi ko naman alam ang pasikot sikot dito. Lagot talaga siya sa akin mamaya.

"Class Dissmiss" Ting! The Magic Word. Nasa Room 2- Mare ako. Iba din kasi ang kinuha kong korso. Naunang lumabas ang mga feeling famous na mga kaklase ko, mga feeling meyemen ayern. Uy! Hindi ako bakla.

Ako na lang ang tanging natira sa classroom kaya nagpasya na akong lumabas. Baka ma-rape pa ako ng teacher namin. Kinuha ko ang earphones ko sa bulsa at nilagay sa magkabilang tenga ko.

Patungo na ako ngayon sa canteen. Wala namang tao sa hallway kaya feel free akong sumayaw sa daan. Ang saya lang. Haha--

"Aray! Ano ba yan hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!" Napakurap ako ng ilang beses dahil sa taong nasa harap ko ngayon. Tangina! Nakakabakla ka Ashton. Shemay! Ang ganda niya. Hehe meron siyang itim at medyo kulot ang buhok. Nakauniform at maraming dala.

"Hoy lalaki, papasukan na ng langaw 'yang bunganga mo!" Sigaw niya pa rin sa daan habang nagliligpit ng gamit niya. Napabalik naman ako sa realidad. Tinulungan ko naman siyang lingpitin ang mga gamit niya.

"I'm Ashton." Pagpapakilala ko sabay abot ng kamay ko.

"Sorry na din. Hehe" dugtong ko sabay kamut sa ulo. Inabot niya naman ang kamay ko para makipag shakeshand.

"Ako din. Sorry kung nasigawan kita. I'm Catherine. Catherine Yzabel Larzon" Pagpapakilala niya tska ngumiti. Ang ganda niya. Hehe


***

"Saan ka nga pala pupunta, Ashton?" Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Catherine. Sa kanya ko rin nalaman na hindi lang collage meron dito. Meron din pala ditong Primary, Elementary and High School.

"Sa canteen sana. Hahanapin ko sana ang kaibigan ko" Tugon ko naman.

"Tamang tama do'n din ako pupunta. Tara!" Yaya niya tska naunang naglakad. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Medyo malapit lang pala ang canteen nila.

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon