Chapter 19: Bomb
MAZELIA'S POV
"Anong balita, Sy?" Kalmadong tanong ko pa habang nakatingin sa labas nang bintana.
"Sa ngayon po ay wala pa, alam ko pong nagmamatyag na ngayon sa paligid si Ashtrid." Wala sa sarili kong naibato ang isang mamahaling vase dahil sa galit.
Sadyang tinik lang talaga sa lalamunan ang Ashtrid na 'yan. Sana kung noon pa man ay nalaman ko nang may kakaiba sa babaeng 'yan hindi sana'y sinama ko na siya sa ama niyang uto-uto.
"Estupida! Pasabugin mo ang bahay ng mga taong ito." Tugon ko at ibinigay sa kanya ang listahan.
"Pati po ba ang mansion ni Ashtrid ay papasabugin ko?" Napapikit na lamang ako sa inis.
"Sundin mo na lamang ang inuutos ko. Makakaalis kana." Mahinahong utos ko pa.
Kailangan kung linlangin ang babaeng iyon. Kailangan ko siyang paniniwalain sa lahat nang sasabihin ko. Hindi niya pwedeng malaman ang mga plano ko. Hindi niya pwedeng hadlangan ang mga plano ko.
ANGEL'S POV
Sa iniutos ni Madame Mazelia ay agad akong umuwi sa condo ko para magbihis. Sinuot ko ang itim na sando ko at isinuot ang itim na hood ko at nilagyan ko din nang takip ang mukha ko. Napatingin ulit ako sa listahang ibinigy ni Madame Mazelia. Hindi ko inaasahan na makakaganti rin ako sa wakas sa babaeng 'yan.
Akala ko ba matalino siya? Napangiti ako sa mga naiisip ko. Sino kaya ang uunahin ko? Ang mansion ba nang mga Lorenzo? O ang mansion nang mga Anderson. Hmmm....
O mas mabuting sa mansion muna ni Ashtrid ang uunahin ko? Tama. Mukhang maganda nga. Agad akong lumabas sa condo ko nang may ngiti sa labi. Alas dose na nanghating gabi akong nakauwi dahil pumunta pa ako nang bar para makapagrelax. Mabuti na lang at walang katao tao ang buong paligid dahil mahimbing na silang nakatulog. Dali dali akong tumungo nang elevator para mabilis.
Ting
Saktong pagbukas nang elevator ay nando'n na agad ang sasakyan ko. Mabilis akong pumasok sa kotse ko at tinahak na ang daan patungo sa mansion ni Ashtrid.
Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid. Mukhang tulog na nga silang lahat. Dahan-dahan akong umakyat sa isang puno para makapasok sa mansion nila. Alam ko namang high tech lahat nang nasa paligid ko ngayon. Nang makababa na ako mula sa punong inakyatan ko na madaming langgam. Bwiset.
Saan ko kaya ilalagay ang bombang 'to? Ah! Alam ko na sa pintuan niya. Kaya nagsimula na akong humakbang patungo sa pintuan nila. Mabuti na lang at walang bantay. Tsk. Dahan dahan kung kinuha ang bombang nakalagay sa bag ko at dahan dahang idinikit sa pintuan nila.
1:00
Isang minuto lang ang inilagay ko para party-party na agad. Hmm. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ashtrid pag nalaman niyang may bomba sa labas nang mansion nila?
Siguro matutuwa pa 'yon. O di kaya mawiwidang. Hays ang galing talagang mag-isip ni Madame. Kaya idol ko 'yon. Tumayo na ako at hahakbang na sana nang may maramdaman akong malamig na bagay sa ulo ko. At alam kung baril 'yon kaya agad kung itinaas ang dalawang kamay ko bilang pagsuko.
But. . . I have my moves. My clever moves.
"Isang hakbang pa, Sy. At pagsisihan mo" Walang emosyong pagbabanta nito. At dahil mabait akong bata, humakbang ako. Tatlong sunod-sunod na putok nang baril na siyang ikinangiti ko.
"Aww. 3 shoots? Pero niisa hindi mo ako natamaan? Such a loser." Pang-aasar ko pa pero hindi pa rin nagkakaroon nang expresyon ang mukha niya. Na mas lalong ikinalaki nang ngiti ko. Kung hinahangaan ko si Madame Mazelia sa pag-plano. Siya naman ay hinahangaan ko pagdating sa paghawak nang baril.
"Wala akong oras makipaglokohan sa'yo. Sinong nagpadala sa'yo dito?" Tanong niya habang nakatutok pa rin ang baril nito sa noo ko.
Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo tiyak na susugurin niya si Madame ko sasabihin ko.
We both heard the tiit sound. Sabay kaming napalingon na dalawa dahil sa tunog na 'yon. Shit! 25 seconds na lang ang natira. Kailangan ko nang umalis!"Hep! Hep! Saan ka pupunta? Haha. Wala ka nang kawala, babae." Dito rin pala nakatira ang kumag na 'to.
"Talaga?" Akmang susunggab ko na sana siya nang suntok pero mabilis siya at ako ang naunahan niyang sunggaban nang suntok. Kasabay no'n pag sipa niya sa tiyan ko. Dahilan upang mapahiga ako sa sahig.
"Kahit babae ka papatulan talaga kita. Bakit? Kasi ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat e, 'yung pinapapakialam ang buhay nang kaibigan ko." Walang emosyong tugon nito at sinampal nang malakas ang mukha ko. Walanghiya!
Damn it! Magbabayad ka, Ashton!
At maya maya pa ay may naalala ako. Ay pakshet! Maling bomba ang nailangay ko!
AXALIA'S POV
Blue, Red, Green. Damn! Kailangan kung putulin ang isang wire nang bombang 'to kung hindi sabog kaming lahat.
15 seconds.
Daaaamn!
Wala nang oras, kaya dahan-dahan kung hinawakan ang pulang wire at kinuha ko ang isang maliit na kutsilyo na nakapusod sa buhok ko.
10 seconds.
Shit!
Hinawakan ko nang mahigpit ang maliit na kutsilyo at dahan-dahang pinutol ang pulang wire na naka-connect sa bombang nakakabit sa pintuan.
5 seconds.
WHAT!?
Mabilis kung pinutol ang asul na wire pero, hindi pa rin tumutigil ang oras.
3 seconds.
Shit. Shit. Shit.
Para kong mawawalan nang pag-asa kaya sa ikinabubuti nang lahat ay pinutol ko na rin ang huling wire. Ang kulay berde.
1 second.
Dahan- dahan kong ipinikit ang mga mata ko dahil ito na siguro ang huling araw ko sa mundo. Pero laking gulat ko. . .
~ You're so gorgeous
I can't see anything your face
'cause look at in your face
You're so furious
At you for making me feel this way
But what can I say?
You're so gorgeous~WHAT- THE- HELL!?
"Dude bagong song ni Taylor----waaaaah! Dude may bomba!? dapa!" Sigaw niya at dumapa sa sahig.
Napahilamos naman ako sa mukha ko. Ugh! Ang himbing nang tulog ko pero binulabog lang ako nang walang kwentang babaeng 'yon.
"Hoy! Tumayo ka nga dya'n mukha kang tanga." Sermon ko at naglakad papasok nang mansion.
This morning is full of shit. I'm still sleepy. Damn.
A/N: Hello 'to the Anghel of Kwatro! Your time to shine, sweetie. 💕
P.s: Gorgeous po 'yung title nang kanta. Hehe😆
P.s.s: Nakaka-tense ba? Whaha sorry na. 💕
BINABASA MO ANG
Axalia Ashtrid
ActionAxalia Ashtrid lives her life as she wanted, rebel against her father, become a delinquent, and do whatever she wants just to ease the pain of the past. In the middle of her rebellion, she was ordered to go home as her punishment, and she will meet...