CHAPTER 02

3.6K 112 1
                                    

Chapter 02: Philippines

ASHTON'S POV

Napatahimik ako dahil sa tingin ni Axalia sa akin, kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kaming umuwi sa Pilipinas. Isa sa mga paboritong lugar na palagi kong pinupuntahan. I admit madaldal akong tao kapag kaharap ko ang bestfriend ko pero sa ibang tao hindi. Sa totoo lang ay kaya ako sumama sa kanya sa Pilipinas dahil gusto ko lang siyang bantayan at nakakasawa na rin sa Texas. It's my third time na uuwi ng Pilipinas na ako lang at si Axalia, without mom and dad. Ang busy rin kasi nila sa business namin.

Ashton Black Pattinson.

Basa ko sa papel na hawak ko. Solong anak ng mga Pattinson at matalik na kaibigan ni Axalia Ashtrid ang babaeng walang ginawa kundi ang tumambay sa Bar ko at uminom. At magkwento ng magkwento sa mga nangyayari sa buhay niya, hindi ko naman siyang pwedeng tangihan pa dahil alam kung ako lang taong malalapitan niya. Sa loob ng pitong taon na pagkakaibigan namin ay alam na alam ko ang mga ayaw at gusto niya. Kung hindi sa Bar ko siya tumatambay, nasa casino siya o hindi kaya ay nakikipag-car racing. Well, that's her hubbies.

Nakapagtapos na rin siya nagpag-aaral pero gusto niya pa rin ang mag-aral. She take 4 courses by the way including the nursing, criminology, education and medicine pero ni isa diyan ay wala siyang nagustuhan. Ewan ko nga sa babaeng 'to kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya, kung saan siya masaya susuportahan ko na lang siya.

To our dear passengers please put your seatbelt because we're going to land in any minute.

Gaya ng sinabi sa speaker ay sinunod ko naman, tiningan ko naman si Axalia na mahimbing ang tulog kaya ako na lang ang naglagay sa seat belt niya.

"Hey Dude, wake up" paggising ko pa sa kanya habang tinatapik ang balikat niya. Agad naman niyang iminulat ang asul niyang mga mata.

"Tss. Where are we?"

"We're going to land, kaya ginising na lang kita." Nakangiting sagot ko pa sa kanya, pero 'tsk' lang ang lumabas sa bibig niya. Ang sama talaga ng ugali ng babaeng 'to.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang paglapag ng eroplano. I guess nasa NAIA kami. Nag-umpisa ng maglabasan ang mga pasahero mapababae o mapalalaki man. Nakalabas na ang ibang mga pasahero at tanging kami na lang ang hinihintay kaya lumabas kami.

"Do you have a jacket?" Tanong ni Axalia sa akin habang nakatingin ng blanko sa 'kin. Agad ko namang hinubad ang Black Leather Jacket ko at inabot sa kanya. Nice.

"Thanks." Para akong nabingi sa sinabi niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ko siyang nagpasalamant. It's miracle.

"D-Did you say thank you right?" Pagcle-clear ko pa sa sinabi niya bago lang.

"Do you want me to repeat it?" Pigil na inis na sabi niya.

"Sabi ko nga hindi 'e. Hehe" napahiyang sabi ko pa. Baka pabalikin niya 'ko ng texas 'di oras kung nagtanong pa ako. Pasimple kaming naglalakad habang palabas ng Arrival Area maraming tao ang nasa labas at maraming tao rin ang nag-aabang. Namangha ako sa paligid kahit gabi na, malayo rin pala ang byahe namin mula Texas hanggang Pilipinas.

"Dude lo--" Bulas ko pero wala na siya sa tabi ko. Nakita ko na lang siyang may kinakausap na parang naka formal attire pa. Mukha silang bodyguards?

"Sino kayo?" Bored na tanong ni Axalia.

"Bodyguard niyo po kami, Ma'am Axalia. Sabi kasi ni Sir Axel ay susunduin ka po namin dito pauwing mansion" Sagot no'ng isang bodyguard na nakashade. Iba din! Kaya lumapit na ako sa kanya, pero hinarangan ako ng dalawang bodyguards.

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon