CHAPTER 27

762 19 0
                                    

Chapter 27: My 25  Roses of Love

The sun rose up. The birds was singing. What a beautiful morning. I feel so relax. Parang wala lang akong problema. Bumangon na ako mula sa aking kama at bumaba na patungo sa kusina. I can smell adobo? Wait, adobo? Gosh!

"Good Morning, Ma'am" Our cook greeted me. At binigyan ako nang puting rosas? Tinanggap ko naman 'yun at tiningnan ang niluluto niya. Adobo nga! Sinabihan ko naman ang tagapagluto ko na paghandaan na ako nang pagkain dahil pupunta lang ako sa garage i-check ko lang kung malinis ba ang sasakyan ko.

"Good Morning, Ma'am!" Energetic na sabi pa ni Manong at binigyan ako nang puting rosas? Na naman?

"Ah, manong bakit niyo po ako binibigyan nang bulaklak?" Tanong ko.

"Ah--kasi ma'am gusto po namin kayong pasalamatan!" Mabilis na sagot niya.

"Nag-abala pa po kayo."

"Our happiness to serve you kasi ma'am!" Proud pang pag-eenglish niya. Napangiti naman ako at pumasok na sa loob nang mansion para kumain. Pagpasok ko naman ay may nagbigay na naman sa akin nang puting rosas hindi lang isa kundi limang kasambahay. Pitong rosas na ang nakuha ko. Ano 'to 18 roses lang?

Kumain na nga ako. Ako lang mag-isa ang kumakain sa mahabang mesa. Kung noon ay kasama ko si Ashton pero ngayon hindi na. I set aside that negative thought at bumalik na sa pagkain. Tiningnan ko naman ang cellphone ko. A text message. An unknown number?

See you soon. AA I can't wait to see you again. 

     
-A

Bakit gano'n? Bakit ang pamilyar. No, hindi pwede. Impossible! Tinapos ko na ang pagkain at umakyat sa aking kwarto at naligo. Tumagal nang ilang minuto bago ako natapus at nagbihis na rin para pumasok sa trabaho. I comb my straight hair. Since hindi naman ako nagsa-salon. Nag-aaksaya lang ako nang oras kapag gano'n. Muli akong napatingin sa pitong puting rosas na nakalapag sa aking kama. Napangiti ako, para hindi malanta ay inilagay ko sa glass vase ang White Roses na iyon. Hindi ko nga alam kung kanino nila nalaman na puting rosas ang paborito kung bulaklak sa lahat.

***

"Good Morning, Madame!"

"Flowers for you, Madame!"

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko halos lahat nang nakakasalamuha kung empleyado ay may ibinibigay sa aking White Roses? And now I count it, 24? Wala akong ginawa kundi ang mag-thank you. For the second time, I know how to say thank you and sorry. Alam ko noon ay wala 'yan sa vocabulary ko pero ngayon. I don't know what's happening to me!

Taas noo akong naglakad patungo sa aking opisina, gano'n pa rin ang atmosphere nito. Walang nag-bago. Pero nawala ang lahat nang 'yun nang may naka-upo sa swivel chair ko.

"Who are you?" I asked immediately. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. At anong ginagawa nang lalaking ito sa opisina ko!

"Sean!"

Ngumiti siya at tumayo na mula sa kinauupuan niya which is sa upuan ko. Habang papalapit siya ay para akong nai-estatwa. 'Yung puso ko naman parang sumasabak na naman sa geyra dahil sa malakas na pagkabog nito.

"Do you like it?" Nakangiting tanong niya habang nakatingin sa White Roses na daladala ko. Sasagot na sana ako pero muli siyang nagsalita ulit.

Axalia AshtridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon